Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)

The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)

iampammyimnida
Si Amanda Violet Chua ay isang gobernador sa lalawigan ng Alfonso. Simula nang mamatay ang kanyang ama sa isang engkwentro ay namuo ang galit at pagkamuhi sa kalooban ng dalaga na nagsanhi ng paghihigante at pagtugis niya sa taong pumatay sa kanyang ama. Subalit gano'n na lamang ang takot na namayani sa babae nang naulit muli ang engkwentrong iyon habang tinatahak niya ang daan pauwi sa kanilang mansyon. Mabuti na lang ay may sumagip sa kanya—si Pierre Quintavious De La Fontaine. Sa takot na maulit muli ang trahedya ay agad niyang kinuha ito bilang bodyguard niya. Hindi niya alam na may sekreto pala itong tinatago sa pagkatao niya. Mayroon bang pagmamahalan na mabubuo sa kanila o habang papalapit si Amanda sa katotohanan ay pagkamuhi ang babalot sa kalooban niya?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Personal Maid

His Personal Maid

MAHIRAP ang buhay kaya't ang ulilang lubos na si Karina ay handang magtiis na manirahan sa kaniyang tiya kahit madalas siyang pagmalupitan nito. Ang tiya niya mismo ang nag-alok sa kanya ng trabaho upang mag waitress sa isang bar na hindi naman kalayuan sa bahay nila. Sa edad na dalawampo, natuto na si Karina na maging malakas para sa kaniyang sarili dahil wala naman itong maaasahan bukod sa kanyang sarili lamang. Bata pa lang ay hindi na ito namulat sa pagmamahal. Pagmamahal na ngayon ay tila hinahanap niya pa rin. Pagmamahal na hindi maibigay ng kanyang Tiya Alicia at kahit ng mga kaibigan nito sa bar. Isang araw, sa kanyang pagtatrabaho sa bar ay isang bagong customer ang nagligtas sa kanya mula sa isang bastos na lalaki. Nagpakilala ito bilang si Winston Miller gamit ang binigay niyang business card. Naging interisado sa kanya ang binata dahil nakikita nitong pursigido ang dalaga sa kanyang trabaho at halatang kailangang-kailangan ng dalaga ng pera, bukod doon ay may kung anong malakas na enerhiya siyang naramdaman sa dalaga. He asked her to be his personal maid. Iyon ang usapan nila. Sa laki ng halagang in-offer ni Winston ay hindi na nakapag-hindi pa si Karina. Tinanggap niya agad ito. Iniwan niya ang kanyang tiya na naghihimutok sa galit.
Romance
9.7366.2K viewsCompleted
Show Reviews (81)
Read
Add to library
Rai
OMG!! nakakakilig naman nitong story worth it na worth it ganito gusto kong basahin Hindi boring enjoy na enjoy ako. Hayssst ganda sobra Hindi ka talaga magpagawa kapag ganitong flow na story. Love na love ko ito support kita author...
Kim francine Botor
hina ap ko ito sa novelah na Sabi ng author soon siya sa novelah mag sususlat.. nag ikawalang chapter Pero wala.. gusto ulit.. ma dugtungan ang pagmamahalan nila Winston at Karina pls po.... Dahil napaganda ng ginawa mong kwento
Read All Reviews
THE TWIN'S EFFECT

THE TWIN'S EFFECT

Dahil sa matinding sakit at kahihiyan na inabot ni Daniela sa hindi pagsipot sa araw ng kasal nila ng groom niyang si Drewner Ramsel, ang batam-batang CEO ng Ramsel Business Conglomerate ay kaagad siyang nagtungo sa ibang bansa. Doon niya ipinanganak ang mga naging bunga ng minsan nilang pagtatalik ng binata. Ngunit sa unang kaarawan ng kanilang kambal ay kinidnap siya kasama ang isa sa kambal. Tinangka siyang patayin ngunit nakaligtas siya, iyon nga lang ay nasunog ang kalahati ng kanyang mukha. Magmula noon ay hindi na niya nakita pang muli ang isa niyang anak hanggang sa bumalik siya sa bansa ngunit sa ibang mukha at katauhan. Natuklasan niya na ang nag-iisang anak ni Drewner ay kamukhang-kamukha ng kanyang nawawalang anak kaya nagduda siyang ito ang may pakana sa pagdukot at pagtangkang pagpatay sa kanya. Ipinangako niya sa sarili na babawiin niya ang kanyang anak sa kahit anong paraan at papapagbayarin niya ang lalaki sa ginawa nito sa kanya. Ngunit paano kung malaman niya ang totoong dahilan kung bakit hindi siya sinipot nito sa araw ng kasal nila noon at kung sino ang totoong may pakana sa mga nangyari sa kanya? May pag-asa pa bang madugtungan ang naudlot nilang kahapon lalo pa't may dalawang anak na sila at kambal pa?
Romance
1025.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Contract Bride

The CEO's Contract Bride

Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro. Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho. Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?
Romance
332 viewsOngoing
Read
Add to library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Mafia
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Uncle's Dark Secret

My Uncle's Dark Secret

Sa pagpasok ni Lewis Perez sa condo ng kanyang nobyo, nakita niya na isang babae ang umiindayog sa ibabaw ng lalaking pinakmamahal niya. Labis na nasaktan ang dalaga, dahilan upang sumama siya sa kaibigan sa isang bar at doon magpakalasing, not knowing what will happen to her. Dala ng kalasingan, pumasok si Lewis sa kuwarto ng isang lalaking CEO na noon ay umupa ng isang babae upang magbigay ng aliw sa kanya. At sa hindi inaasahang pagkakataon, binigay ni Lewis ang kanyang katawan sa lalaking ito, isang bagay na makapagpapabago sa kanyang buhay. One next morning, nalaman niya sa kanyang ama na umuwi na mula sa ibang bansa ang kanyang uncle at dahil fresh graduate si Lewis, naisipan ng kanyang ama na ipasok ito sa kompanya ng kanyang tito na si Vladimir Grayson upang magkaroon ng experience. Ngunit hindi niya akalain na ibang experience pala ang matututunan ni Lewis. Sa pagdating ni Lewis sa opisina ni Vlad, nagulantang ang dalaga, dahil ang lalaking nakasama niya sa kama at ang tito na ngayon ay kaharap niya ay iisa...
Romance
1018.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unforgettable Night With You

The Unforgettable Night With You

YlatheDreamer
Wala sa bokabularyo ng isang Clement Kit ang pagpapakasal, kahit nga ang salitang "commitment" ay hindi sumagi sa isipan niya. Everyone calls him a playboy, but not for so long dahil nakatakda na siyang ikasal. Natagpuan niya na lang ang sarili sa isang bar bago ang araw ng kaniyang kasal. Sa hindi malamang dahilan ay naagaw ng isang babaeng nakatayo sa entablado ang kaniyang pansin. Sa kabilang banda, nakatayo si Fauvine Lavar sa isang entablado. Sa dami ng taong naroon ay humihiling siya na sana ay may tumulong sa kaniya. Kaya laking gulat na lang niya ng may lalaking humila sa kaniya at inalalayan siya pababa. Nauwi sila sa isang mainit na gabi. Isang gabing kapwa hindi nila malimutan. Kapwa tumatak sa isip ng bawat isa pero tumatak din kaya sa puso ng bawat isa? Ngunit paano si Fauvine kung nakatakda na ikasal si Clement?
Romance
3.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
Romance
1013.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status