Natumba si Madeline sa lapag matapos sipain. Pinrotektahan niya ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan. Bago pa man siya makapagpaliwanag, sinampal ulit siya ni Jon sa ulo.“Ikaw p*ta ka! Bakit naman papatayin ni Meredith ang sarili niya para sa isang kagaya mo! Ikaw ang dapat na mamatay.”Habang nagngingitngit ang ngipin, binitawan ni Jon ang mga salitang ito. Talagang sagad sa buto ang galit niya kay Madeline.“Papa, ayos lang po. Hindi talaga ako itinadhana kay Jeremy. Hindi ko po sinisisi si Maddie.” Rinig ang mahinang iyak ni Meredith mula sa kabilang dulo ng kwarto.Dumudugo ang gilid ng labi ni Madeline, at pumapantig ang ulo niya mula sa sakit. Tiniis niya lang ito at inangat ang ulo. Bilang resulta, nakita niyang nakasandal si Meredith sa dibdib ni Jeremy. Ganoon din, naramdaman niyang namumuo ang luha sa mga mata niya.Hagkan ni Jeremy ang umiiyak na si Meredith. Puno ito ng lambing tila ba pinoprotektahan niya ito.Nakakatuwa ang eksenang ito, subalit masakit ito sa
Hindi makilala ni Madeline kung sino ang babaeng kausap ni Meredith habang nilalait siya.Simula noong makapasok siya sa Crawford Family at makilala si Meredith, inisip niyang isa itong dalaga na mabait, mapagkumbaba, elegante, at mahinahon. Subalit, sa ngayon…“Galit na galit ako! Nagsayang pa ako ng oras para bumuo ng isang plano at para painumin si Jeremy ng inuming may droga. Nagtawag pa nga ako ng mga reporters para may ebidensya na kasama ko si Jeremy sa gabing iyon para pumayag na rin ang Old Man Whitman na ikasal ako sa kanila. Sino naman ang mag-aakalang mali ang room number na napuntahan ko at iba pala ang kasama ko sa gabing iyon, talagang aksidente pang sinuwerte si Madeline!”Ito pala ang katotohanan; ito ang totoong mukha ng isang mabuting kapatid na kunwaring humihingi ng awa para sa kanya ilang minuto lang ang nakararaan.Mabilis ang tibok ng puso ni Madeline. Talagang mababaliw siya sa mga naririnig niya.Ito ang babaeng pinakamamahal at pinakamabuti sa mga mata n
Hindi nila inasahang magpapakita si Madeline para sabihin ang mga bagay na iyon. Nanigas ang tatlong taong nasa kwarto.Matapos ang ilang segundo, agad na nagbago ang mukha ni Meredith. Ang madalas nitong banayad at kalmadong ekspresyon ay nawala. Sa kabilang banda, nagmukha itong masama, “Madeline, bakit andito ka pa?”Namumula ang mga mata ni Madeline. Tumawa siya nang pakutya at sinabing, “Hindi ba ito na ang oras para sumama ako sa planong ginagawa niyo?”Napagtanto ni Meredith kung ano ang nangyari at lumubog ang kanyang mukha. “Sino ka para makinig sa usapan namin!”Sabi ni Madeline, “Oo, nakinig ako, kung hindi ko narinig ang sinabi mo, hindi ko sana malalaman na ang mabuti ko palang kapatid ay walang hiya, at isang peke!”“Sino ka para tawagin si Meredith nang ganyan, maldita ka! Naghuhukay ka lang ng sarili mong libingan!” Galit na inangat ni Rose ang kanyang kamay, sasampalin na naman niya sana si Madeline.“Ma, bakit ba kayo nagagalit sa ignoranteng ito na walang magul
“Hindi! Jeremy...”Namumutla na ang mukha ni Madeline sa takot. Hindi siya makakilos sa ginagawa ni Jeremy.Hindi niya pa nakikita ang malamig at bayolenteng bahagi ni Jeremy dati. Natatakot siyang mawala ang anak nila sakaling masaktan siya nito nang todo.Subalit, hindi siya hinayaang makatakas ni Jeremy. Kinulong siya nito sa kanyang mga bisig.Hindi niya inakalang ganito ang galit ni Jeremy sa kanya.Matapos ang napakahabang sandali, nakaramdam lang si Madeline ng sakit sa kanyang buong katawan. Sunod doon, nakatulog siya nang malalim, at sa kanyang panaginip, nabalik siya sa sa araw na nakilala niya si Jeremy, labindalawang taon ang nakararaan.Maaliwalas ang sinag ng araw sa dalampasigan noon at mayroong isang puno ng alkampor.Namumulot ng mga kabibe ang batang si Madeline. Tinignan niya ang isang tahimik na lalaking nakaupo sa malayo. Ang lungkot ng mukha nito.Dito niya unang nakilala si Jeremy. Labindalawang taon pa lamang ito subalit napakagwapo na nito, matangkad at
Nagsimula nang sumigaw si Meredith habang ang inggit sa kanyang mukha ay lalo siyang pinapapangit.Ngumiti na lang si Madeline na tila ba wala siyang pakialam. “Bilang asawa ni Jeremy, masaya akong bawasan ang mga problema niya.”“Madeline, ikaw… napakapobre mo talaga!”“Hindi kita matatapatan, Mer. Nilagyan mo pa nga ng droga ang inumin ni Jeremy para mapakasalan siya. Bakit? Ayaw ka ba niyang hawakan kapag gising siya?”Nag-iba ang mukha ni Meredith na tila ba may sinabing tama si Madeline. Subalit, hindi niya inalis ang kalmado at mayabang niyang mukha.“Syempre, gusto ni Jeremy na hawakan ako. Gusto niyang ginugulo ako lagi! Lagi rin siyang nasa tabi ko bawat gabi hindi kagaya mo. Nasa bahay ka lang pero hindi mo kasama ang asawa mo.”Puno ng sakit ang mga salita ni Meredith. Ganoon din, naglabas siya ng ilang mga dokumento at nilagay sa harap ni Madeline.“Ito ang divorce papers na pinapasuyo ni Jeremy sa akin. Bilisan mo at pirmahan mo na. Ayaw makita ni Jeremy ang isang w
Napakagaling naman talaga. Hindi makakakita ng kahit anong pagkakamali si Madeline sa ibinigay na palabas ni Meredith.Hindi nga lang inasahan ni Madeline na buntis rin si Meredith.Subalit, anak ba ni Meredith ay talagang kay Jeremy?Naalala ni Madeline na iba ang kasama ni Meredith sa gabing iyon matapos magkamali ng pinasukang kwarto. Kung talagang buntis siya, mukhang kailangan pa nilang pag-usapan kung sino talaga ang ama.Gayon pa man, hindi naman maitatanggi ni Madeline na kasama nito lagi si Jeremy sa gabi.Nang maisip niya ito, lalo pang kumalat ang sakit sa kanyang puso patungo sa kanyang buong katawan.Subalit, hindi ito maikukumpara sa sakit na naramdaman niya nang makitang hagkan ni Jeremy si Meredith nang mahinahon at puno ng pag-aalala.Tinakpan ni Meredith ang kanyang mukha at umiyak nang nakakaawa.“Jeremy, huwag mong sisihin si Maddie. Kasalanan ko ang lahat. Hindi dapat ako nahulog sa iyo. Sa kabilang banda, umaasa akong makausap mo si Maddie para hindi niya
Hindi maganda ang pakiramdam ni Madeline tila ba hinihiwa ang puso niya ng ilang libong kutsilyo. “Jeremy, nagsasabi ako ng totoo!”“Para sa akin, wala nang mas mahalaga kaysa sa nararamdaman ni Meredith. Ano bang basura ang pinagsasabi mo?”Hindi makapaniwala si Madeline sa sinabi nito. Dire-diretso itong sumaksak sa puso niya na bang isang matulis na sandata.Sa kanya, hindi mahalaga ang katotohanan. Ang mahalaga sa kanya ay si Meredith at wala na siyang paki sa iba.Lumubog ang puso niya na para bang isang bato. Tila ba nawala ang lahat ng kanyang pag-asa sa lalaking ito.Ngumiti si Madeline nang malungkot at sinabing, “Sige, hihingi ako ng tawad.”Tiniis niya ang sakit ng kanyang katawan at agad na yumuko upang humingi ng tawad kay Meredith.Nakita niyang suminghal si Meredith. May matagumpay na ngiti ang nakadikit sa mukha nito.Hindi niya talaga akalaing walang paki si Jeremy sa katotohanan para lang kay Meredith. Ang tanging dahilan ay ang pagmamahal niya rito. Masyado n
Kung hindi tumunog ang alarm clock sa sumunod na umaga, hindi sana magigising si Madeline.Namula ang mukha niya nang maalala niya kung ano ang sinabi at ginawa niya kay Jeremy habang lasing siya.Pagbalik ng opisina, wala sa isip na nagtatrabaho si Madeline sa kanyang mga disenyo. Hindi niya ma-i-alis sa kanyang isip ang anino ni Jeremy.Labindalawang taon na. Imposible namang mapapakawalan niya ang ganitong klase ng pagmamahal balang araw.Hinawakan niya ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan. Kung posible, gusto niyang bigyan ng perpektong pamilya ang bata.“Ding!”Biglaan, isang notification ang tumunog sa kanyang cellphone na siyang nagbalik sa kanya sa realidad.Tinignan niya ito at nakita niya ang isang mensahe. Galing ito kay Jeremy!Nagsimulang tumibok ang puso ni Madeline nang walang tigil. Lalo pa itong nanginig nang buksan niya ang mensahe.Ang unang nakita ay isang larawan. Isa itong larawan ni Madeline at Meredith. Kuha ang litratong ito nang ampunin siya ng Cr