--CYNTHIA--
"D..Darwin a..ano 'to?"
Namamangha at halos hindi makapagsalita na sabi niya habang tinitingnan ang kamay sa ere. Sa kanyang palasingsingan ay naroon ang isang sing-sing na may malaking diamante sa gitna.
Hindi niya pa iyon agad napansin ng magising siya. Nakita niya iyon ng nasa banyo na siya at maliligo sana.
Agad nanlaki ang kanyang mga mata ng makita iyon, dali-dali siyang tumakbo palabas ng kanyang kwarto para hanapin at tanungin si Darwin.
She found him on their kitchen, abala ito sa kung anong niluluto nito. Agad niyang ini-angat ang kanyang kamay at ipinakita rito ang kanyang palasingsingan.
"Bakit may suot akong sing-sing? Para saan ito?"
Ngumiti ito. "Did you like it?"
"Para saan nga ito?"
Binasa muna nito ang mga labi bago nagsalita. Nasa mga mata ang alinlangan.