Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Unang tumambad sa kanyang mga mata ang puting kisame. Sinubukan niyang gumalaw para lamang mapangiwi ng maramdaman ang pagkirot ng kanyang tagiliran.
Inikot niya ang kanyang mga mata pagkunwa'y minasdan ang sarili. Naka-hospital gown siya at may dextrose sa kanyang kanang kamay, ibinaling niya ang mga mata sa kabilang gilid niya at nakita niya si Adrian na nakayupyop ang ulo sa kanyang tabi habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay.
"Ade.." paos niyang tawag. She tried to move her hand na agad naman nitong naramdaman.
Ini-angat nito ang ulo at tila nagising ng tuluyan ng makitang gising na siya.
Nagpakawala agad ito ng malalim na hininga saka muling napapikit. Nang muli itong iminulat ang mga mata ay nakita niya ang pagkislap ng luha sa gilid ng mga mata nito.
"Thank God.. thank God" sunod-sunod nitong sabi sa paos ding b