"Pwede bang pumasok Jade?"
Umangat ang tingin niya sa pintuan ng kanilang kwarto kung saan naroroong nakatayo si nanay Cely. She look weak and tired. Halos hindi ito umaalis sa tabi ni Alex mula nang maospital ang binata. Kagabi nga, pinilit lang nila ni Cynthia na umuwi ito para kahit paano ay makapagpahinga.
"Huwag mo ng masyadong alalahanin si kuya inay, nagising na siya at nasa maayos na kalagayan."
"Paano mo nasabing nasa maayos nang kalagayan ang kuya mo eh kanina lang namimilipit siya sa sakit?"
"Narinig ninyo naman ang sinabi ng doctor, nangyari lang po iyon dahil pinilit niyang magkaalala. Sa ngayon ang mabuti nating gawin ay huwag na muna ungkatin o banggitin ang mga nangyari sa nakaraan para maiwasan ang nangyari kanina."
"Pero ayoko pa rin siyang iwan, hindi rin naman ako mapapanatag sa bahay."
"Inay magkakasakit na po kayo sa