Magkaganon man ay hindi siya nagpaapekto sa kanyang damdamin. She has been through a lot at nalagpasan niya lahat. Hindi ang pangyayaring iyon ngayon ang magpapalubog sa kanya. May dahilan siya para bumangon at iyon ay ang anak niya.
Yes, she's not okey, emotionally but she needs to look okey physically. Para kay Zach. Hindi siya pwedeng manghina, hindi siya pwedeng bumigay dahil may anak siyang umaasa sa kanya.
"Kailan ka mag-uumpisang magtrabaho sa shop ni kuya?" si Cynthia.
Kasalukuyan niyang inaayos ang mga damit nila ng anak at inilalagay sa kanilang aparador ng pumasok ito sa kanilang kwarto.
Nilingon niya ito. "Ang usapan namin ni Al