Kung meron mang higit na nagalit sa ginawang iyon ni Adrian bukod kay nanay Cely ay walang iba kundi si Alex. Halos isumpa nito ang binata ng malaman ang nangyari. Na kung nasa harap lang nito si Adrian ay malamang bugbog sarado na ito ngayon.
Nang gabing din iyon mismo ay ipinagtapat niya sa mga ito ang lahat. Hindi niya iyon pwedeng ilihim dahil malalaman at malalaman din ng mga ito ang bagay na iyon oras na hindi na makikita ng mga ito na magkasama sila ni Adrian at hindi na siya pinupuntahan ng binata. Hindi niya iyon matatago ng matagal so she wanted to spill it first kaysa malaman ng mga ito ang tungkol doon sa ibang tao. Isa pa hindi na niya kaya. Pakiramdam niya kung kikimkimin niya pa iyon sa kanyang dib-dib ay sasabog na siya. Konti na lang at mababaliw na siya sa sobrang sakit.
"Ang putang-inang iyon! Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin Jade at papatayin ko talaga siya!" Galit na galit