"Sino iyan?"
Kunot-noong tanong ni Alex ng pumasok ito sa driver's seat at makitang hindi niya sinasagot at hawak niya lang ang nagri-ring niyang cellphone.
Ipinakita niya iyon rito at nagtiim rin ang mga labi nito ng makita ang nakarehistrong caller sa screen.
Hindi niya iyon sinagot at wala siyang balak kaya kusa iyon tumigil. Ilalagay na niya ulit sana iyon sa bag ng muli na namang nag-ring.
Inis niya iyon sinagot. May pakiramdam siyang hindi iyon titigil hangga't hindi niya sinasagot.
MARIIN siyang napatiimbagang habang nakatayo doon sa labas ng Diego's place, ilang sandali din siyang nakatayo lang doon at iniisip kung papasok o hindi.
Nang makita niya kanina na si Arie ang tumatawag ay wala siyang balak na sagutin iyon, napilitan lang siya ng muli ay tumawag ito.
"Pwede ba kitang makausap?" Agad na bungad nito sa kanya.
"Wala na tayong dapat na pag-usapan pa!" malamig pa sa yelong tugo