Para siyang binagsakan ng langit sa kanyang nakita. Sa sobrang gulat niya ay natulala siya doon sa kanyang kinatatayuan. Hindi iilang ulit siyang napalunok para pigilin ang pag-alpas ng kanyang luha. Her heart was starting to break into tiny pieces. Ramdam na ramdam niya ang sakit.
Gustuhin niya mang tumalikod at tumakbo palayo doon ay hindi niya magawa. Her knees were trembling. Sa sobrang sakit hindi lang ang puso niya ang unti-unting nawawasak kundi pati ang kanyang tuhod--no... Buong katawan na niya yata.
"J..Jade..!"
Arie's shivering voice feels like acid to her ears. Nanlalaki ang mga mata at gulat itong nakatingin sa kanya. Nakita niyang lumunok ito bago nagmamadaling hinila ang kumot at itinakip sa hubad nitong katawan.
Alam ng Diyos kung paano niya pinigilan ang pamumuo ng kanyang mga luha pero sunod-sunod pa pin iyon na naglandas sa kanyang pisngi.
Gust