Sa mansion sila dumiretso, Nana Rosa was so shocked when she saw Adrian face covered with blood when they got out of the car. Agad itong nataranta.
"Anong nangyari?" Agad nitong tanong saka tinulungan siyang alalayan si Adrian." Naaksidente ka ba Adrian?" tanong nito.
Adrian didn't answer, hindi niya alam kung nakatulog ito o tuluyan ng nawalan ng malay. Kanina pa ito walang imik, kahit sa loob ng sasakyan ay tahimik lang ito habang nakasandig ang ulo sa backrest ng upuan.
Ibinaling ng matanda ang nagtatanong nitong mga mata sa kanya.
"N..nagpang-abot po sila sa bahay ni Alex 'na," maikli niyang sagot habang inaalalayan itong papasok. Agad ding bumaling ang mga mata nito kay Zach na noo'y nagkukumahog sa pagsunod sa kanila.
"Kukuha lang ako ng bimpo at maligamgam na tubig." sabi nito ng nasa loob na sila at nakaupo na si Adrian sa sofa.