Mariin na napapikit si Adrian habang dahan-dahan na dinala ang kopita ng alak sa mga labi.
After that painful rejection he went directly to the bar. Pakiramdam niya alak ang solusyon sa sakit na nararamdaman niya.
It was the same pain he felt last week nang nalaman niya mula kay Cynthia na nagpaplano na itong magpakasal kay Alex. Parang gumuho ang mundo niya. Ang munting pag asa na meron siya ay tuluyang naglaho lalo na noong makita niya ang mga ito ng gabing iyon. Karga-karga ni Alex ang anak nila at naka-alalay si Jade sa dalawa. Everything about them seems perfect. They are like family, a happy family. At panggulo lang siya.
Sa isiping iyon ay parang sinasakal ang puso niya. Ang pangarap niyang pamilya na bubuuin ay binubuo na ng iba at ang masakit pa ay ang katotohanang kitang-kita niya na masaya at kumportable ang anak at ang babaeng pinakamamahal niya sa piling nito.
Wala siyang karapatang magtampo