-DARWIN-
Marahang dinala ni Darwin sa labi ang kopita ng alak at dahan-dahan ring ininom ang laman niyon. He asked the bartender for another shot na agad naman nitong sinunod.
He was alone. Niyaya niya si Adrian kanina pero tumanggi ito. He seems busy the whole day. Kakaupo lang nito bilang presidente ng hotel kaya naiintindihan niya kung bakit masyado itong abala.
Gusto muna niyang magliwaliw habang hindi pa nagsisimula ang construction ng west wing ng hotel. Because in two weeks or so sigurado siya mawawalan na siya ng oras. Isa pa, hindi naman kalayuan sa hotel ang pinuntahan niyang bar.
He'll just have a few shots at babalik rin siya. Pwede naman sanang doon nalang siya sa hotel uminom pero iba pa rin kung doon sa bar.
Umikot siya at itinuon ang mga mata sa gitna ng dancefloor. Tamang-tama lang p