“AYOS KA LANG po ba, Miss Delancy?”
Yan ang naging bungad sa kanya ng kanyang mga kaibigan nang makapasok ito sa loob ng kanyang opisina. Bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala. For the past weeks, sila lamang ang nakakausap niya. Wala nang iba pa. Hindi na rin sila nagkakaron ng Friday gimmick dahil masyado siyang busy. Ayaw na rin niyang mangyari uli ang nangyari nang nakaraan.
And, yes. Hindi niya pa rin nakakalimutan kung sino si Merida.
She nodded her head with a smile on her lips. “Yes, I am fine.”
“Grabe,” ani Cleo at in-adjust ang suot nitong glasses. “That was the very first time I saw Pauline being so mad.”
“Oo nga,” sang-ayon naman ni Vanessa. “Ano ba kasi ang pinuputok ng butsi ng babaeng ‘yon? Akala nga namin ay sasabunutan ka niya. Mukhang takot pa rin naman pala siya sa ‘yo kahit papano.”
Mahina siyang natawa sa naging reaksyon ng mga ito. She took a very deep breath and forced a smile. You guys don’t have to worry about me or anything. I am totally fine. Hindi niya r