NATIGILAN si Raven nang sumapit sila sa resort spa na sinasabi ni Athena. Pamilyar ito sa kaniya pero dahil nga isang dekada na ang nakaraan at marami na rin marahil ang nabago rito ay hindi na niya matiyak kung ito nga ba talaga ang resort spa na madalas nilang puntahan noon ng kaniyang ina kasama si Loraine.
"Minsan kaming napasyal ng kaibigan ko sa resort spa na ito and we enjoyed it so much that we decided to visit often," malawak ang ngiting sabi ni Athena saka umakbay kay Kayne at iginiya ito patungo sa isang direksyon.
Napatitig siya sa pagkakalapat ng kamay nito sa balikat ng kaniyang sa anak bago inihakbang ang mga paa para sa sumunod sa mga ito.
"My friend is on her way here, but let's have a massage habang hinihintay natin s’ya," narinig niyang sabi ni Athena habang patuloy sa paglakad patungo sa direksyon ng massage studio habang akbay si Kayne.
Nagpasya siyang magpatianud dito habang humahanap siya ng magandang tiyempo para isakatuparan ang kaniyang plano.
**
NAT