Search
Library
Home / Mafia / ALGUIEN ESPOSITO (Mafioso Societas Series 1) / 39. MESSAGE 1

39. MESSAGE 1

Author: Sophia Sahara
2023-08-08 19:41:18
FREYA

Ilang araw na akong tulala at kahit si Heres ay tamang asikasuhin ko na lang. Mas gusto ko ang mag-isa at isipin ang mga nangyayari sa buhay ko. Pagkatapos kong mapanood ang trending video na iyon online ay hindi pa rin nakakabalik si Alguien, mukhang inabandona na nga kami ni Heres.

Katok sa pinto at kasunod na pagbukas niyon ang umagaw sa atensyon ko, si Carmen. May dala siyang pagkain sa tray. Napatingin ako sa orasan sa dingding, lampas alas-otso na pala ng gabi.

“Sana tinawag mo na lang ako para bumaba,” ani ko kay Carmen.

“May sakit ka yata, eh.” Nilapitan niya ako at ibinaba sa tabi ko ang tray ng pagkain bago sinalat ang leeg ko.

“Okay lang ako. Wala akong sakit…”

“Freya… ano ba ang nangyayari? Ilang araw ka nang ganiyan. Mag-iisang linggo na.”

“Kung sasama ba ako sa inyo ni Rogelio sa lugar niyo ay isasama niyo rin ako?” direktang tanong ko na. Hindi ko dapat isipin ang lumayo kay Alguien pero ang katotohanan na may iba siyang pakakasalan, na ayaw kong paniw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP