Chapter 44
“You okay?” rinig kong tanong ni Damon.
Mariin akong pumikit at bumuntong hininga. Kinakalma ko ang sarili ko.
“Babe,” bulong ni Damon.
Suminghap ako. Seryoso kong hinarap si Damon.
“Anong pinag-usapan niyo?” tanong ko agad kay Damon.
Nakita ko ang paglunok niya. Mas lalong gusto kong malaman kung anong pinag-usapan nila base sa reaksyon ngayon ni Damon.
“I told you, it's nothing,” utas niya at hinawakan ako sa balikat.
I'm not convinced.
“Tell me,” seryosong sabi ko.
I want to know kung anong napag-usapan nila. I'm curious and afraid. I know Ambie very well. Natatakot akong baka may sinabi siyang hindi maganda kay Damon.
“It's just about you. Ikaw lang ang pinag-usapan namin. Babe, believe me,” seryoso ding sagot niya.
Tinitigan ko siya ng mabuti. I really want to know kung ako ba talaga ang pinag-usapan nila.