Chapter 47
Hindi kami sabay pumasok ni Damon dahil ihahatid niya ang Daddy niya sa airport. Sabi niya sa'kin ay pupunta ang Daddy niya sa ibang bansa para i-handle ang kompanya nila doon.
Wala akong gana na kumakain sa Cafeteria. Wala si Ariana, malamang ay kasama non si Marco. Wala akong kasabay. Hindi rin nagtetext si Damon sa'kin kaya mas lalo akong nag-aalala. Nalulungkot ako sa hindi ko malamang dahilan.
Nakaramdam ako ng takot nang maalala ang sinabi ni ate Ambie. Paano kung magkasama silang dalawa kaya hindi nagtetext si Damon sa'kin? Paano kung may gawin na naman si ate para maghiwalay kami ni Damon? Nakakatakot
Kanina pa ako nag-text ng Good Morning sa kaniya at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply. Kinakabahan ako. Hi