PADAPANG ITINUMBA NI Daviana ang kanyang katawan sa ibabaw ng kama. Halos lumubog siya doon nang bumagsak. Ibinaon niya pa ang kanyang mukha sa unan ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay agad din niyang tinanggal ang mukha dito upang huminga. Pakiramdam niya kung hindi niya gagawin ang bagay na iyon ay masu-suffocate siya. Paulit-ulit pang nag-replay sa kanyang isipan ang umaatikabong halikan nila ni Rohi kanina.
“Daviana naman kasi, bakit hindi mo siya pinigilan? Gusto mo rin eh!” kastigo ng dalaga sa kanyang sarili na tumihaya na upang isipa-sipa lang sa ere ang kanyang dalawang mga paa, “Ano pang mukhang ihaharap mo sa kanya? Tingin mo kagaya pa rin kayo ng dati? Hindi na, girl! Mahihiya ka ng makisalamuha pa sa kanya kahit komportable.”
Muling dumapa si Daviana at inilubog na naman ang kanyang mukha na animo ay itinatago iyon. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung kinikilig ba siya o nahihiya sa mga nangyari.
“Sandali, bakit ang kalmado lang niya kanina? Ibig sabihin hi