Mula pagkabata ay nakatatak na sa murang isipan ni Daviana Policarpio na si Warren Gonzales ang kanyang magiging asawa dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga Lolo. Hinihintay na lang nila na maka-graduate siya sa kolehiyo para matuloy iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, at ng dahil sa mapaglarong kapalaran at panahon; kalahating taon bago mangyari ang plinano ng matatanda sa kanilang pamilya ay nalaman ni Daviana na mayroon pa lang girlfriend ang lalaking itinatangi at itinakda sa kanya. Hindi alam ng dalaga kung marapat bang ipagpasalamat niya iyon, dahil nang gabing matuklasan niya na may lihim na kasintahan si Warren ay iyon din ang gabing hindi inaasahang muling magsasanga ang landas nilang dalawa ni Rohi Gonzalez; ang anak sa labas at half-brother ni Warren na mula pagkabata nila ay natitipuhan na ng dalaga. Subalit, hindi niya pwedeng ipilit dahil ang sabi ng mga magulang nila ay si Warren at hindi si Rohi ang lalaking nakatakdang maging kabiyak niya at makasama hanggang sa kanyang pagtanda. Susuwayin ba ni Daviana ang mga magulang upang tuluyang pagbigyan ang isinisigaw ng kanyang puso?
Voir plusSUMASARA NA ANG talukap ng mga mata ni Daviana nang makatanggap siya ng hindi inaasahang tawag mula sa police station. Laking pagtataka ng dalaga dahil halos hatinggabi na iyon. Tamang-tama lang iyon sa kanyang pamamahinga. Kakatapos lang niyang gawin ang research projects. Lumipad sa kung saan ang antok niya nang malaman mula sa kausap na pulis na nasangkot na naman umano sa gulo si Warren Gonzales. Magulo ang pagkaka-kwento ng kausap niyang pulis kung kaya naman hindi niya lubos maintindihan ang tunay na nangyari. Isa pa, kabadong-kabado na siya dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan. Kilala niyang may saltik sa ulo ang lalaki pero hindi naman siguro intensyon na gumawa ng gulo.
âJusko ka naman, Warren. Kailan ka ba magtitino ha? Isusumbong na kita sa Mommy mo eh! Wala ka pa âring character development eh ang tanda-tanda mo na!â bulong-bulong niya habang nagdadabog na kinukuha ang kanyang jacket, wallet at cellphone at inilagay iyon sa sling bag niya.
Batid niyang mahihirapan na siyang makabalik sa loob ng dorm oras na lumabas siya ngayon. Curfew na. Isa pa ay maulan din ng mga oras na iyon, may sama ng panahon.
âHija, saan ka pa pupunta? Gabing-gabi na!â natatarantang harang sa kanya ng caretaker ng kanilang dormitoryo na nagsasara na.
Mahigpit ang caretaker lalo at curfew na. Walang valid ditong rason. Oras na magpilit ka ay tatandaan ka niya at pahihirapan. Memoryado na ni Daviana iyon. Batid din niyang bukas na siya makakabalik sa lugar.
âMay importante lang po akong kailangang puntahan. Sige na po, palabasin niyo na ako!â
âAlam mo naman ang patakaran, oras na lumabas ka ay hindi ka na pwedeng pumasok dahil simula na ng curfew. Ano? Tutuloy ka?â
âOpo, kailangan ko po talagang lumabas.â marahipit na pagpupumilit pa rin ni Daviana.
Hindi niya pwedeng balewalain si Warren at hayaang abutin ito ng umaga sa loob ng selda. Hindi lang iyon, nag-aalala siya na baka malala ang gulo kaya ito nasa police station. Ang worst pa sa naiisip niya ay baka naka-disgrasya ang lalaki na huwag naman sanang umabot doon. Criminal record iyon na paniguradong ikakabagsak ng pamilya nila.
âHija, huwag mo sanang masamain pero saan ka pa ba pupunta? Masama ang lagay ng panahon. Nagpahinga lang ang ulan. Kung hindi naman importante ayââ
âHindi niyo po ako naiintindihan. Sinabi ko na nga pong kailangan kong lumabas dahil importante. Alin po ba doon ang mahirap maunawaan? Hindi naman po ako magpipilit lumabas kung wala lang ito. Kilala niyo po ako since day one noong freshman ako. Emergency lang po talaga kaya lalabas ako!â mangiyak-ngiyak ng wika ni Daviana dito.
Unti-unting binuksan ng may edad ng babae ang gate ng dormitory na tapos na niyang isara. Hinayaan ng lumabas dito ang dalaga.
âAng mga college students nga naman ngayon, ang titigas na ng ulo. Ang gagaling na rin magsinungaling para makuha lang ang gusto. Ibang-iba na sila noong unang panahon na ang titino at hindi mapapalabas sa dis-oras ng gabi. Hindi na rin sila masabihan dahil ayaw ng makinig sa matatanda na para rin naman sa kaligtasan nila. May sarili na silang mga desisyon sa buhay na akala nila ay madali lang kapag nagkamali. Wala na rin silang respeto sa kanilang mga sarili.â pasaring pa ng matanda na hindi na lang pinansin doon ni Daviana.
Hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoo dahil baka mamaya ay makarating pa iyon sa kanilang mga magulang. Pagod na rin siyang paulit-ulit na magpaliwanag. Hindi rin naman nito maiintindihan ang nararamdaman niya kahit na pilitin niya pa. Nagmamadali na siyang lumabas ng building kahit na umaambon na naman, pumara siya ng taxi upang magtungo ng police station.
âExcuse me...â kuha niya ng atensyon ng mga police na naroon, âNarito po ako para kay Warren Gonzales.â kabadong sambit niya.
Kinausap siya ng nasa front desk at sinabi sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Nag-fill up siya ng form at naglabas din ng pera. Mabuti na lang at nasa kanya ang secret savings ni Warren na pwede niyang kunin in case na may mga ganitong sitwasyon. Ang lalaki rin ang nagpro-provide ng laman nito.
âMiss, ano ang relasyon mo kay Warren Gonzales?â interesado ng tanong ng police officer na tumanggap ng sinulatang form.
Nagkaroon ng bahagyang pag-aalinlangan sa inosenteng mukha si Daviana. Nahahati ang isip niya kung magsasabi siya ng totoo dito.
âKaibigan niya po. Magkaibigan na kami mula mga bata pa lang kami.â sagot niyang hindi na piniling magsinungaling at sabihin na siya ang soon to be wife or fiance ng lalaki.
Matalik na magkaibigan ang mga ninuno ng kanilang mga pamilya. Nagsimula iyon sa kanilang mga Lolo na biruan lang sa simula. Nagkasundo sila na ipapakasal ang kanilang mga apo kapag nasa takdang panahon na. Hindi naman iyon tinutulan ng kanilang mga magulang. Tinanggap nila ng maluwag sa puso ang plano na ipapakasal ang mga bata kapag nasa hustong edad na at nakapagtapos na rin ng kanilang pag-aaral. Seneryoso iyon ng dalawang pamilya at maging ni Daviana na mula pagkabata ay alam niya na ang magiging kapalaran niya sa pag-aasawa. Si Warren lang ang magulo sa kanilang kausap. Hindi maintindihan kung gusto ba siya nito o hindi. Kapag tatanungin ng kanilang mga magulang, hindi nito masabi ang kanyang gusto kaya minsan naiisip niyang napipilitan lang ito. Bagamaât natanggap na rin ni Daviana ang lahat ng iyon, hindi niya pa rin tahasang masabi na fiancee siya ng lalaki. Ang palagi lang niyang nababanggit ay dahil magkaibigan sila halos sabay na âring lumaki.
âIisa lang kasi ang numerong nakalagay sa kanyang emergency contact sa cellphone at iyon ay ang number mo lang kaya ang buong akala namin ay kapamilya ka o girlfriend.â gulantang ang mukha ng police officer ng sabihin niya iyon habang matamang nakatingin sa kanya. âPara sa iyong kaalaman din Miss, kung kaya namin siya hinuli ay dahil gumawa siya ng malaking gulo sa loob ng bar. May report na ang buong pangyayari. Sabi niya ay self defense lang daw at pagtatanggol lang niya iyon sa kasintahan na napag-tripan ng kapwa babae niya sa loob mismo ng bar. Napag-tripan ng magtungo ito ng banyo.â
WALANG IMIK NA sinunod ni Warren ang sinabi ng ama. Sa totoo lang ay wala siyang kagana-gana. Ilang araw man siyang hindi kumain, hindi pa rin siya nakakaramdam ng gutom. Kumukulo ang kalamnan niya pero wala siyang pakialam. Nagkukumahog na tinawag ni Carol ang katulong upang ipainit ang pagkain nang maihain na rin agad sa kanyang anak.âDahan-dahan lang Warren, tingnan mo ang ginagawa mo sa sarili mo? Gutom na gutom kaâŠâ maluha-luhang turan ni Carol habang pinapanood na kumain ang anak, âHuwag mo na âtong uulitin ha?âThere was chili in the dish, which got stuck in Warrenâs throat. He put down the utensils, turned his face to the other side, and started coughing violently.âHeto, inom ka ng tubig.âWarren was still coughing, and it seemed as if his heart and lungs were about to burst out. His eyes were red and his vision was blurred. Hinagod ni Carol ng paulit-ulit ang kanyang likod hanggang sa tumigil ito.âSarili mo lang ang pinapahirapan mo, gaya ngayon.âKinabukasan, gaya ng pang
HINDI NAGSALITA SI Welvin sa ma-dramang turan ng asawa. Pinanood lang niyang palisin ang luha niya. âKung hindi mo ako tutulungan, mapipilitan akong hanapin si Melissa at baka sakaling ma-convince niya si Warren na ayusin ang kanyang sarili, Welvin.ââBaliw ka na ba? Bakit mo gagawin âyun?ââSo anong gusto mong gawin ko ngayon? Tumunganga lang? Nasa hunger strike ang anak natin at bilang ina, sa tingin mo papanoorin ko lang siyang unti-unting patayin ang kanyang sarili ha?!âLaging ganito si Carol sa anak kaya naman hindi na believe si Welvin dito. Siya rin ang may kasalanan. âIf Warren is willing to admit his mistakes and reflect on himself, I can arrange for him to meet Daviana. Subalit kailangan niyang kasama ako, hindi pwede na sila lang. Imposible iyong mangyari, CarolâŠâAt this moment, the half-open door of the bedroom was pushed open from the outside. Sabay na napatingin sa kanya ang mag-asawa at nakita si Warren na nakatayo doon. Ilang araw pa lang ang lumipas, namayat na it
HINDI NA NAG-REACT pa doon si Rohi na yumakap na ang dalawang kamay papulupot sa kanyang beywang. Walang pakundangan na binuhat ang katawan niya ng lalaki at walang kahirap-hirap na iniupo sa kanyang kandungan. Nanatiling nakaburo ang mga mata ng lalaki sa mukha ni Viana. Tuwang-tuwa sa kanyang mga narinig kanina.âKung hindi mo kayang mag-isa dito, uwi ka muna sa bahay kung nasaan ang Mommy mo ng ilang araw lang naman.â masuyong haplos ni Rohi sa kanyang isang pisngi at kapagdaka ay dumukwang upang halikan lang ang kanyang labi. âNo, hihintayin kitang umuwi dito.â âPero wala kang kasama.â âOkay lang, sanay naman akong mag-isa. Saka ilang araw ka lang namang mawawala. Dito na lang ako maghihintay.â Sumilay na ang kakaibang ngiti sa labi ni Rohi. Hinawakan na niya ang baba ni Daviana at muling siniil ng halik ang labi. Ang halikan nilang iyon ay mabilis na nag-alab. Habang magkalapat pa rin ang labi ay marahang iniyakap ni Rohi ang dalawang binti ni Viana paikot sa kanyang beywang
AKMANG PAPATAYIN NA sana ni Daviana ang tawag pagkasabi noon ngunit natigilan siya nang biglang sumigaw si Carol sa kabilang linya. Halatang galit na galit na noon ang Ginang. Bilang reaksyon ay napalunok na siya ng laway.âAno bang pinagmamalaki mong babae ka? Hindi ka mapakiusapan man lang! Sa tingin mo gusto talaga kitang tawagan?!â panunumbat nito na hindi matandaan ni Daviana kung bakit kailangan niyang maranasan, âGinawa ko lang naman ito para sa anak ko. Lumaki kayong magkasama tapos hindi mo man lang siya madamayan ngayon? Anong klase kang kaibigan na babae ka?!âNagpanting na ang tainga doon ni Daviana. Kaibigan? Kailan pa siya itinuring ng anak nito na kaibigan?âIniwan niya ako sa engagement party tapos ngayon gusto niyong gawan ko kayo ng pabor?â matapang na niyang turan kahit na bakas sa kanyang mukha ang pagiging kabado.âNaging mabuti kami saâyo, Daviana. Baka nakakalimutan mo. Ganyan ba ang tamang pagtanaw ng utang na loob?â âAko ho ba hindi naging mabuti sa inyo noon
WALA NG IBANG choice si Carol kung hindi ang lumapit kay Daviana dahil alam niyang iyon lang ang makakapagbigay ng lakas sa kanyang anak. Determinado ang asawa niyang si Welvin na turuan ng leksyon si Warren sa pagkakataong iyon. Mula ng umuwi si Warren ay hindi pa man lang ito nakakalabas ng kanilang bahay. Pinalagyan pa ng harang na bakal ang bintana ng silid ng kanilang anak. Malamang, hindi iyon matagalan ni Warren na sanay sa pagiging malaya kung kaya naman pilit nitong pinapakita ang pagiging rebelde sa kanila. Kada dadalhan siya ng pagkain ng mga maid ay tinatapon lang iyon ni Warren sa sahig. Nang malaman naman ito ni Welvin ay agad itong nag-desisyon na dagdagan ang parusa ng anak.âNagsasayang siya ng pagkain? Kung ayaw niyang kumain, huwag niyong dalhan!â Mula noon ay hindi na nga talagang pinadalhan ng ama ng pagkain si Warren. Bilang ina, hindi matiis ni Carol na panoorin lang iyon at wala siyang gawin upang tulungan ang anak. Nagpupuslit siya ng pagkain sa gabi, ngunit
HINDI LINGID SA kaalaman ni Daviana na umiyak ng nagdaang magdamag si Anelie kung kaya naman magang-maga ang mga mata ng kaibigan. Malamang kahit siya ang nasa katayuan nito ay iyon din ang kanyang gagawin lalo na at matagal na panahon siyang nag-pantasya kay Darrell.âHuwag mo ngang mabanggit-banggit sa akin ang lalaking iyon! Ayoko ng marinig ang pangalan niya. Naiinis ako. Nasisira ang mood ko!â dabog ni Anelie na hinila na si Daviana papasok ng loob ng kanyang maliit na tahanan, âMaiba ako, tumawag pala sa akin si Warren kaninang umaga.âHindi na si Daviana nagulat doon, malamang mangungulit na naman ito at hindi siya makulit.âTinanong niya kung kumusta na kayo ng fiance mo.â dugtong ni Anelie na kinataas lang ng kilay ng babae, ano pa bang bago sa kanya? Anong akala nito, maghihiwalay na muli sila ni Rohi?âTapos?â tanong ni Daviana na nakaupo na sa sofa. âE âdi sabi ko, ayon okay naman kayo. Maligayang nagsasama.â halakhak nitong sa pandinig ni Daviana ay mayroong ibang nais
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealistaïŒnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Commentaires