author-banner
Purple Moonlight
Purple Moonlight
Author

Novels by Purple Moonlight

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
Read
Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO

Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO

Sa una niyang buhay, isang martir at talunang maybahay ang ganap ni Felicity Gambello sa kanyang asawang si Santiago El Gueco. Hindi niya maiwan ang asawa dahil sobrang mahal niya ito, kahit pa harap-harapan siyang niloloko. Natapos ang kanyang buhay sa isang malagim na kapalaran; ang kamatayan. But things turn a strange turn. Ang asawang hindi umuuwi sa kanilang tahanan sa previous niyang buhay, was now returning everyday. Nag-aalala pa ang lalaki na baka ipagpalit niya ito kapag hindi niya inagahan. “Jago, naniniwala ka ba na sa hinaharap ay hihilingin mo na lang na mawala ako?” “Huwag ka ng mangarap, Feli. Hanggang kamatayan ay magsasama tayong dalawa.” Bilang isang nilalang na muling bumalik sa nakaraan matapos niyang masilayan ang kanyang malagim na kamatayan, hinayaan na lang ni Fae na magsanga ang landas ng asawa at ng babaeng sa unang buhay ay ipinalit nito sa kanya. Subalit, sa halip na hiwalayan siya kagaya ng nangyari dati, kabaliktaran doon ang naganap. Hindi na nga siya hiniwalayan ng asawa, bagkus ay lalo pa siya nitong minahal. Ang nakakagulat pa ay nagawang taalikuran nito ang babaeng minsang naging sagabal sa pagsasama nila. Muli ba itong pagbibigyan ni Feli o ituloy niya na lang ang unang plano upang hindi niya maranasan ang malagim noon na kapalaran?
Read
The Spoiled Wife of Attorney Dankworth

The Spoiled Wife of Attorney Dankworth

Hindi sinasadya o sinadya man ng Tadhana na mag-krus ang landas ng lasing na si Bethany at nagtatanggal stress lang na si Gavin ng gabi ng engagement party ng ex-boyfriend ng dalaga; naniniwala sila na may malaking purpose ang pagtatagpo nila. Pagkatapos kasi ng gabing iyon ay sunod-sunod na ang naging interaksyon ng dalawa hanggang sa may mamuong pag-ibig at tuluyang mahulog ang damdamin sa bawat isa. Ngunit subalit datapwat, kagaya lang din ng ibang relasyon at pareha; susubukin sila ng panahon, huhubugin ng mga problema at susukatin ang tatag ng music teacher na si Bethany Guzman at ng abugadong si Gavin Dankworth kung hanggang saan aabot ang binhi ng pagmamahalan nilang naipunla.
Read
Rekindled Romance After Divorce

Rekindled Romance After Divorce

Nasagad na ang pasensya ni Everly Golloso sa asawa niya ng tatlong taon na si Roscoe De Andrade nang mahulog siya sa pool kasama ang lantarang sidechick nitong si Lizzy Rivera. Dala ng nag-uumapaw na sama ng loob sa nangyari ay walang ngimi na pinirmahan ng babae ang divorce agreement nila. Nag-alsabalutan siya at tuluyang iniwan ang kanilang villa. Ngayong malaya na si Everly at kaya na niyang gawin ang lahat ng gusto niya, doon naman matatauhan si Roscoe na maghahabol; ang asawa ni Everly na tanging pagtanaw lang naman ng utang na loob ang dahilan para manatili sa tabi ni Lizzy. Utang na loob na hindi naman dapat sa babae ang credit kung hindi ay kay Everly. Sa panibagong yugto at realization ni Roscoe, paano niya ibabalik sa dati ang pagmamahal ni Everly? Mabayaran ba ang lahat ng hirap at mga sakripisyo niya sa bandang huli?
Read
Addicted to the Imperfect Billionaire

Addicted to the Imperfect Billionaire

Mula pagkabata ay nakatatak na sa murang isipan ni Daviana Policarpio na si Warren Gonzales ang kanyang magiging asawa dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga Lolo. Hinihintay na lang nila na maka-graduate siya sa kolehiyo para matuloy iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, at ng dahil sa mapaglarong kapalaran at panahon; kalahating taon bago mangyari ang plinano ng matatanda sa kanilang pamilya ay nalaman ni Daviana na mayroon pa lang girlfriend ang lalaking itinatangi at itinakda sa kanya. Hindi alam ng dalaga kung marapat bang ipagpasalamat niya iyon, dahil nang gabing matuklasan niya na may lihim na kasintahan si Warren ay iyon din ang gabing hindi inaasahang muling magsasanga ang landas nilang dalawa ni Rohi Gonzalez; ang anak sa labas at half-brother ni Warren na mula pagkabata nila ay natitipuhan na ng dalaga. Subalit, hindi niya pwedeng ipilit dahil ang sabi ng mga magulang nila ay si Warren at hindi si Rohi ang lalaking nakatakdang maging kabiyak niya at makasama hanggang sa kanyang pagtanda.  Susuwayin ba ni Daviana ang mga magulang upang tuluyang pagbigyan ang isinisigaw ng kanyang puso?
Read
You may also like
The Missing Piece
The Missing Piece
Romance · Serene Hope
9.5K views
Alipin
Alipin
Romance · Darkshin0415
9.5K views
Marrying My Ex-Husband's Best Friend
Marrying My Ex-Husband's Best Friend
Romance · KristiyanongInlove
9.5K views
ONE HELLA NIGHT
ONE HELLA NIGHT
Romance · Gladyjane
9.4K views
The Billionaire's Mistress' Plea
The Billionaire's Mistress' Plea
Romance · MissChocolatey
9.4K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status