PILIT NA KINALAMAY ni Daviana ang sarili kahit na kabadong-kabado na siya na baka nakita ng matanda sila ni Rohi. Paniguradong magtatanong ito. Magiging kuryuso. Sa halip na sumagot ay tumagos ang paningin ng matanda sa kanya patungo sa likod na bahagi niya. Nakapag-u turn na ang kotse ni Rohi at papalabas na iyon ng gate ng village.
“Hija, hindi ‘yun kotse ni Warren. Hindi ba at siya ang kasama mo patungo ng Hacienda?”
Ito na nga ba ang sinasabi ng dalaga. Magtatanong sa kanya ang matanda. Nakaramdam na ng pagka-guilty si Daviana. Ganunpaman ay hindi niya ito tinalikuran upang makaligtas lang sa mga pang-usisa nitong ginagawa.
“May gagawin pa po ako dito kaya nauna na akong bumalik sa kanya.” malinaw na sagot niya kahit labag sa kalooban.
“Kung ganun ay sino ang naghatid sa’yo?” tanong pa ng matanda kahit na malinaw naman niyang nakita kung sino.
Namamanhid na ang anit ng dalaga sa mga tanong nito. Wala siyang maisip na paraan para lokohin ang matanda. Isa pa, dama niyang nakilala