NAHIGIT NA NI Daviana ang kanyang hininga. Lalong hindi siya makapaniwalang sinusumbatan siya ngayon ni Warren sa kabila ng sobra-sobrang ginawa niya sa kanilang magkasintahan. Sa kabila ng mga ginawa niyang pagsisinungaling upang mapagtakpan lang ang lalaki noong bata pa sila. Ito pa talaga ang may ganang manumbat?
“Napakakitid naman ng utak mo, Viana. Naging bayolente ka na—”
“Ulol ka ba? Sayang ang yaman niyo kung bungol ka. Mauubos lang. Hindi ka makaintindi! Bakit ba kinakausap pa kita? Alam ko namang sa bandang huli, wala pa ‘ring kwenta ang mga explanation ko sa’yo. Diyan ka na nga!”
Pamartsa ng iniwan ng dalaga si Warren na hindi na doon nakapagsalita pa. Naikuyom na ng lalaki ang kanyang kamao. Nababastusan sa ugaling patuloy na ipinapakita ng kanyang kaibigan. Hindi ito ang Daviana na kakilala niya.
“Viana, alam kong ginagawa mo lang ang bagay na ito dahil inutusan ka ng half-brother ko! Tama di ba? Ano bang uri ng pagkain ang pinalamon niya sa’yo para maging matigas ang ulo