HUMARANG NA ANG Ginang. Dumipa siya nang makitang galaiting-galaiti pa rin ang kanyang asawa sa anak nilang ilang beses na niyang sinabihan na huwag sumagot pero patuloy pa ‘ring lumalaban sa ama. Napakurap-kurap na si Warren. Walang takot na pinahid ang dugong umaagos mula sa pumutok niyang kilay. Hindi siya titigil hangga’t hindi naiintindihan ng kanyang ama ang punto niya. Hindi dapat ito sa nobya niya nagagalit. Wala naman itong kinalaman sa kalokohan ng ama, bakit sa kanya nila iyon sinisisi.
“Dad, ang ibig ko pong sabihin ay ano pong kinalaman ni Melissa sa kasalanan ng ama?”
Napakamot na sa kanyang ulo si Carol. Nilapitan na ang anak at nilamukos ang mukha nito kahit na sugatan. Kung hindi ito titigil. Hindi lang iyon ang makukuha niya sa ama niyang masama ang timpla.
“Tama na, Warren, ano ba?! Wala ka na ba talagang pinapakinggan? Bingi ka na? Sagot ka nang sagot!”
Hindi na naman siya pinakinggan ni Warren bagamat nanlalabo na ang isang mata.
“Mom, no! Napaka-unfair lang n