Khaliyah POV
Isang tawag lang ni Amedeo, agad akong napaayos ng upo sa kama. Maaga pa lang, sinabihan na niya akong magbakasyon muna. “Kahit limang araw lang,” aniya habang seryosong-seryoso siya sa kabilang linya. Mabuti na lang at gising na ako nung tumawag siya. Kundi, lagot, ayaw pa naman niya na hindi agad nasasagot ang tawag. Kailangan, sa ilang segundo lang, sumagot ka agad kasi hindi na niya uulitin kapag nainis siya.
Tinanong ko kung bakit biglaan, kung anong meron. Pero ang sagot niya ay lubos kong kinatawa.
“Naiinis pa rin ako kay Nolan. Gusto kong layuan mo muna siya bilang parusa sa kaniya.”
Siyemopre, nung sinabi niya ‘yun ay tuwang-tuwa ako. Pero alam kong hindi ako puwedeng tumanggi, saka, bakit naman ako tatanggi e, ito nga ang gusto kong mangyari. Pag sinabi ni Amedeo ang kahit anong inuutos niya, kailangan kong sundin.
Sinabi pa niya na okay lang daw kahit saan ako magpunta, basta magsama raw ako ng limang tauhan. Mga trained soldiers, ganoon. Sinabi pa niya na huwa