Napagdesisyunan nilang maidlip muna sa sobrang antok pagkatapos nilang magpamassage. Tapos after an hour kumatok na naman si Jane dahil lunch time na. Niyaya na rin nilang sumabay si Jane sa pagkain.
"Nay Nita si Cris po ba saan maglulunch?" Tanong ni Jen habang natulong maghain sa mesa.
"Pinahatiran ko na lang, gawa ng hindi ko alam kung anong oras siya makakauwe" sagot naman ni Nay Nita.
"Anong uri po ba ng mga isda ang inaalagaan doon sa fish sanctuary?" Tanong naman ni Nadine.
"Ah madami, may talakitok, lapu lapu, blue marlin at madami pang ibang masasarap na isda. Gusto nyo bang puntahan natin? Kaya lang magbabangka tayo kasi may kalayuan yun eh" pagpapaliwanag naman ni Nanay Nita.
"Wag na po baka makaabala pa kami sa ginagawa nila" sabi naman ni Jen.
"Saglit lang tayo, pakainin lang natin yung mga isda para magsilabasan at makita nyo, tapos alis na tayo, wag na lang natin tawagin si Cris sa ginagawa nila".
"Pwede nga rin dun bumaba sa tubig kasi hindi naman kalaliman, pa