Home / All / Alpha King Checkmate (TAGALOG) / Moon Phase 8 “It’s my honor to save you Mrs. Curie.”

Share

Moon Phase 8 “It’s my honor to save you Mrs. Curie.”

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2021-07-04 21:28:42

(Samantha POV)

“Thank you.”

Mga salitang gusto ko nga kaagad tapusin ang pakikipag-usap sa kanila.

“Hay naku Bess, magkakaroon na ng oras sayo ang asawa mo! Almost two years na kayong mag-asawa ngunit wala parin kayong anak. Yun na ba ang susunod niyong gagawin?”

Napakindat sa akin si Leneth.

Medyo napangiti ako sa kanyang sinabi.

Ngunit…

Bakit kailangan pa niya sa harapan ng mga taong di ko naman kilala sabihin ang bagay na yun?

Tuloy, mukha nila biglang nacurious sa akin.

“Wala parin kayong anak ni Dr. Albert?”

Wala akong nagawa kundi tumango.

“Dapat lang Mrs. Curie marami kayong maging anak ng asawa mo. Matalino kayong dalawa. Sayang ng katalinuhan kung tipid masyado sa anak.”

Sinabi ng isa.

“Sana laging may oras si Dr. Albert para makagawa kayo. Kunin mo kaming ninang ng mga anak niyo ha. Baka naman magkaroon kami ng inaanak na maipagmamalaki namin.”

Wala akong nagawa kundi patulan na nga ang kuryusidad nila. Sa ayokong mapahiya dito ang asawa ko.

Leneth naman kasi. Bakit di ito nag-iisip sa inilalabas ng bibig niya. Di niya alam napapahiya ako.

Mali to.

Ganoon parin si Leneth. Ang kilala kong Leneth, marupok.

“We plan that already.” Salo ko sa aking asawa.

“Sounds good! Magkakaroon na din ako ng inaanak!” sabi ni Leneth.

Ikinatawa nila.

Medyo napangiti na lang ako.

“Kami din. Wag niyo kaming kakalimutan, Mrs. Curie.”

Yung isang napasuhestion kanina.

“Maupo kayo.” Yaya ko.

Dahil di magandang nakatayo sila habang ako… nakaupo. 

Siyang ikinaupo naman nila.

Mas mabuti ngang makipagkwentuhan muna habang hinihintay ang asawa ko.

“Marami kaming isha-share sayo kung paano makapag-make love sa mga mister natin. Halatang baguhan ka pa lang.”

Puna ng isa.

Binigyan ko ito ng isang ngiti.

Medyo ikinapula ko dahil sa sinabi nito.

“Matagal na silang mag-asawa.” Biglang singit ni Leneth.

Nagulat ang mga ito sa narinig nila.

“At wala pa silang anak?”

Napatitig sila sa mukha ko. Pwera si Leneth. May ngiti sa kanyang labi. Pilit kong hinuhuli ang paningin niya. Ngunit iniiwasan talaga nito ang titig ko.

Sa totoo lang di ko nagugustuhan ang magpagitna sa usapang ito.

Leneth, bakit isinama mo sila?

Wala akong intension na buksan ang personal kong buhay sa mga kasamahan mo. Dahil ano naman sila sa akin?

Chismosa?

Mga mukha nila naghahangad ng kasagutan sa tanong. Kaya hindi ako makakatanging sumagot.

Magsasalita na sana ako ng…

“Foul na yun Alicia. Syempre naman, abala si Dr. Albert. Halos gawin na nga niyang bahay ang laboratory diba?” si Leneth.

Bahagyan akong napatango sa sinabi ng kaibigan ko.

Sa wakas, siya parin ang sumalo ng mga pinagsasabi niya.

Oo, si Leneth lang ang nakaka-usap ko tungkol nga sa amin ni Albert.

Ngunit di ibig sabihin, maari na niyang sabihin ang mga bagay na ito sa mga kasamahan niya ngayon.

Si Leneth na ang kumausap sa mga kasamahan niya.,

Since na ayoko naman talaga magsalita. Medyo naiinis na ako.

“At kilala natin si Dr. Albert focus sa ginagawa niya.”

My husband is well known sa prinsipyo niyang kapag may gustong gawin, di titigil na di niya ito tatapusin.

Kapag nangako, tutuparin niya. Gagawin ang lahat di lang mabali ang binitiwang mga salita.

“At loyal pa. Napaka-swerte mo Mrs. Curie kay Dr. Albert.”

Masaya nilang kumento tungkol sa asawa ko.

“Kaya dapat lang na marami ang maging anak niyo.”

Ngumiti na lamang ako sa sinabi nito.

Sana naman di impossible ang hinihingi nila para sa amin ni Albert.

Gusto ko rin nga magka-anak na kaming dalawa.

Nagsilingunan sa pintuan ang mga kasamahan ko dahil sa pagbukas ng pinto. Wala pa kaming nakikitang anino o kung sino man ito…

Sa katahimikan ng paligid…

Tanging mga bampira lang naman ang nakakaramdam kung sino ang parating…

Mga bampira.

Nagsitayuan ang mga tao sa paligid ko.

Ikinasunod ko na din.

Nakakahiya naman diba? At baka mapag-initan pa ako sa ginagawa ko.

Lumantad nga sa paningin namin ang panauhin.

Di nga maitatangi, may mga magaganda silang physical na anyo.

Isang pamitag para makahuli ng masisipsipan nila ng dugo.

Tss.

“Talagang ang gaganda nila.”

Narinig ko sa bibig ng isa sa mga kasamahan ko.

“Bess, sino ang mag-eentertain sa kanila?” Tanong sa akin ni Leneth.

Bilang sagot, napatitig ako sa ilang waitress sa paligid.  

Bigla ako nitong hinampas ng mahina sa balikat. 

Habang ang grupo ng bampira, dadaan sa amin.

“Di ko naman ito gabi ng parangal para sa success ng asawa ko? Asawa mo diba Bess? Kaya natural lang na ikaw ang makipag-usap sa kanila. Congrats Bess.”

Siyang bahagyang niya akong itinulak ulit.

Kilos naman talaga ni Leneth, parang bata.

Napa-iling ako para tumangi sa gusto niyang mangyari. Ngunit muli na naman akong itinulak nito. Napalakas na muntikan akong mawalan ng balanse. Kung di lang may kamay na malamig na sumalo kaagad sa akin.

Isang pares ng mga mata ng bampira ang sumalubong sa aking paningin. Mga mata na pinaglalaruan lang nila ang mga tao.

Marami ang nangkakandarapa sa kanila.

Ngunit dahil napaka-arrogante nila, hindi sila yung tipong hahalik sa lupa.

Para sa kanila, mababang-uri lamang ang mga tao. Kaya hinding-hindi sila papatol sa mga mangilan-ngilang babaeng tao na inaasam-asam sila.

Isa ako sa mga babaeng ni isa sa balahibo ko, hinding-hindi papatol sa kagaya nila. 

Isa silang halimaw.

Yun ang di alam ng ilang inosenteng tao.

Sana lahat, nakikita ang nakikita ko.

Ngumiti ito sa akin upang magising ako.

Ako na mismo ang kumilos para bitawan niya ako.

“I’m sorry.” naibulalas ng bibig ko.

“It’s my honor to save you Mrs. Curie.”

Nagulat ako dahil kilala niya ako.

Ngunit hindi.

Di niya ako kilala. Ni minsan hindi nag-cross ang landas naming dalawa.

Wag niyong sabihin na nakilala lang niya ako dahil sa kakayanan ng mga bampira.

Kakayanan na makita ang hinaharap o ang nakaraan. Lalo na ang pure blood Vampire.

Sa hitsura at aura niya, alam ko meron itong katayuan sa kanilang angkan.

“Aiden, Alucard’s only son, Mrs. Curie.”

Bingo.

He was a pureblood vampire. Marami siyang nalaman tungkol sa akin.

“I am here to meet your husband personally. Of course, to thanks his generosity.”

@DeathWish

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tanya
Si Aiden ba ito na anak ni Ced?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 168 Challenge

    (Athena POV)Nagsimula nga kaming mamili.Di ko inaasahan, magaling siya kumuha ng mga magagandang quality ng mga produkto. Yung totoo siya ba ang namamalengke para sa kusina niya?Saka talaga bang anak siya ng Grand Alpha?“Para saan ‘to Athena? Ang dami nito ah?”“Sabi ko sayo maraming mararating ang perang kinuha ko sayo.”“I don’t have an idea kung para talaga saan to, but sure you can have that card since nga alam kong dinampot lang kita at ni isang gamit wala kang naidala. Yeah, you can have that card.”“Seryoso?!”Lumaki ang mga mata ko.Muli kong kinuha yung card ngunit natigilan ako. Kasi, baka sa huli kapag pinakita ko, ako pa ang makidnap.“Okey. Thanks!”Napailing-iling sa akin si El. Hindi makapaniwalang ganito nga niya ako napapasaya.

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 167 Wasting Time

    (Athena POV)Dinukot niya sa loob ng bulsa yung wallet nito. Manipis lang. Tipong ganoon ang gusto ng mga lalaki. Kaya hindi talaga magkakasya ang cash sa wallet niya.Hindi ako makapagsalita. Napatitig ako sa mukha nito. Siya na talaga ang rich kid.Di nakakapagtaka na naka Diamond VIP Card si El.Sana lahat meron nito.Infairness ngayon lang ako nakahawak ng gantong klaseng Card sa boung buhay ko.“Alam mo ba EL, makakabili ata ako ng maraming sasakyan sa pamagitan nito. Wala itong limit diba?”Tumango siya.See?“Anong naisipan mo at ganito ang dinadala mo?”Tinataas-taas ko pa.Grabeh, lahat ng bagay ata mabibili nito. Except yung mga nagtitinda na ang tinatangap cash lang. Haist. Hindi lahat ng negosyante mayaman.“Pagkatapos mo ako hilain dito Athena, yan ang itatanong mo sa akin?”Ngumiti na lang a

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 166 Typical Human

    (Athena POV)Natagpuan ang mga sarili namin sa isang palaruan. Napakaraming bata ang naglalaro.Ngunit itong bumuhat sa akin, hindi man lang siya hiningal at pinagpawisan. Isa talaga siyang halimaw.Tinapik ko ang likuran nito, nagbabakasakaling may pawis.WALA.“Ayan. Tinulungan na kitang takasan ang mga tauhan ko.”Napangiti ako.“Tutulungan mo rin ba ako takasan ka?”Siya na itong ngumiti pabalik sa akin.“Aba naman. Syempre hindi. Anong plano mo? Tuluyan akong tumakas sa gagawin ko ngayon araw? Nasisigurado kong mainit na ang ulo ni Lucah sa pinag-gagawa mo Athena. Pati ako ini-impluwensyahan mo. Such a bad influence.”“Sus. Kitang-kita na nagvolunteer ka kanina. Kaya wag ako El.”Inayos ko ang nayuping damit ko.Nang nahaligilap ng aking mata ang isang kuting. Medyo may kapaya

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 165 Escaped

    (Athena POV)“Hey! Where are we going?”Tanong nito ulit ng hinila ko siya sa isang iskinita. Di makakapasok ang sasakyan dahil di magkakasya.“Walang masamang mangyayari sayo dito. Tahimik.”Dahil nahahalata ko napapatitig rin sa amin ang nadadaanan namin. “Yuko mo din ang ulo mo. Wag yung tipong para kang hari na taas noo kahit kanino.”Pagdating namin sa maliit na restaurant. Amoy ko kaagad ang sarap ng hinahain nila. Kumulam ang tiyan na ikinangiti ko lang.Andito na tayo my dear tummy. No need nang magreklamo.Pagpasok namin nagdalawang isip si EL, kaya hinila ko.“Magandang umaga Nay Ising!”Matapos ko ngang iwanan sa isang mesa si EL. Diretso ako sa may counter. Umangat ang paningin ng matandang babae sa akin at sinadya kong salubungin ito ng ngiti.“Athena?!&rdq

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 164 Try To Love Me Back

    (Athena POV)“Mas baliw pala sila sa akin EL. Kaya ngayon din, practice ka na.” Napatitig siya at ngumiti.“Kamukha mo siya. Kamukhang-kamukha.”Wala akong ideya sa pinagsasabi ni EL.Gutom din ata at marami ding imahinasyon ang pumapasok sa isipan.“Gutom lang yan, El. Tara, ipagpatuloy na natin ang paglalakad.”Muli itong napabuntong hininga.“Athena, tao ka lang. Hindi ako madaling mapagod. Habang ikaw, nilalagnat ka pa lang kagabi.”“Wala na oh.” Sinat ko sa aking noo.“Effective itong paglalakad-lakad sa labas. Ibang klase talaga ang mother nature mag-alaga. Haha. Tara na.”Ikinatalikod ko na lamang kay El.Tumayo si El at sumunod sa akin.“May importante akong gagawin ngayon pero ipinagsisiksikan mo ang bagay na ito sa akin Athena.”

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 163 About Pregnancy

    (Athena POV)Tumayo ako at lumapit sa bintana. Binuksan ito.Sinalubong ako ng malamig na hangin. Ang lakas ng hamog. Malamig.Lumingon ako kay EL, patalikod na sana sa ako.“EL. Labas tayo.”Lumingon si El, hawak yung tray.“Kumain ka muna ng agahan before simulan ang kabaliwan mo, Athena.”“Nope. Alam mo bang mas makakabuti mag-jogging muna bago kumain? Kaya tara na. Minsan lang ako mangyaya. Saka sayang naman ng garden nitong Blue Mansion. Sarap tumakbo. Dali na EL!”Napatitig si EL sa kanyang relo.“I have no time with that Athena. May maagang pagpupulong na isasagawa ngayong umaga. Then, you need to stay indoors or else…”“Ayan na naman ang hari ng blackmail. Basta lalabas ako EL. Walang makakapigil sa akin. Tandaan mo yan. Asaan si Mei?”Napabu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status