Search
Library
Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 289

Kabanata 289

Author: Sixteenth Child
Kaagad na tumakbo ang dalawang lalaki papasok sa madilim na silid. Nangapa-ngapa sila dahil wala silang ilaw. Nang kukunin pa lang nila ang kanilang mga phone, nakita nila ang isang anino na dumaan sa kanilang tabi mula sa pader sa likod.

Mabilis na lumingon ang dalawa. Gamit ang pagkakataong ito, binato ni Madeline ang bangko na kanyang hawak bago tumalikod at tumakbo papalabas.

Pinansalag ng mga lalaki ang kanilang mga kamay para protektahan ang kanilang sarili. "P*ta! Andito nga ang babaeng 'yun!"

"Hulihin niyo siya!"

Dahil alam niyang hindi na siya makakapagtago, nagpasya si Madeline na hindi na siya maghihintay na mahanap pa nila. Gamit ang limitasyon ng kanilang paningin laban sa kanila, tumakbo si Madeline papalabas habang pumasok sila sa silid.

Ngunit, walang epektibong paraan para hindi siya makita. Pagkatapos niyang lumabas sa madilim na silid, nakasalubong ni Madeline ang isang namumula at hubad na Meredith pati na rin ang dalawang lalaki na may magulong kasuotan.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP