PLANO nang umuwi ni Ryx Sandoval sa Pilipinas. Bored na siya roon at gusto na niyang umuwi para ipagpatuloy ang business na matagal din niyang napabayaan. Hindi pa niya masasabing maayos na siya pero alam niyang magiging okay din ang lahat in God's time. Besides, na-miss na rin niya ang best friend niyang si Zack. Matapos ng gulong kinasasangkutan niya ay hindi na siya nakapagpaalam pa rito at basta na lang siyang lumayas kaya alam niyang wala itong idea kung bakit s'ya parang bula na biglang naglaho.
Dahil sobrang boring ng araw na iyon at nakahilata lang si Ryx maghapon dahil day-off niya sa kanyang part-time job, ipinasya niyang maghanap ng kausap thru dating sites tulad ng ginagawa ng roommate niyang si Knox. Hindi talaga siya mahilig sa ganoon pero ang gusto lang talaga niya ay mambola ng babae dahil iniisip niyang baka hindi na siya marunong ng ganoon lalo pa nga't two years na siyang single at ganoon na rin katagal na wala siyang ka-sex. Hindi nga niya akalain na makakayanan pa