CHAPTER 21
Mula sa mahimbing na tulog, nagising si Adam sa tunong ng cellphone niya na nasa lamesita sa gilid ng kaniyang kama. Pipikit-pikit niyang inangat ang kamay para kuhanin ang cellphone niya at nanlalabo pa ang mga mata noong silipin kung sino ang tumatawag sa kaniya. Nagbanggan ang kaniyang kilay nang makita sa screen ang pangalan ni Estrellita na bago pa niya pag-isipin kung sasagutin ay namatay din ang tawag. Ngayon ay bumungad sa kaniya ang oras, alas diyes na nang gabi at tadtad siya ng mga message mula sa dalaga.
Bumangon siya sa kama, binalak basahin ang mga ito nang mag ring muli ang phone niya at pangalan ni Estrellita ang lumitaw sa caller name. Sa pag-aakalang emergency ito sa dami ng spam message at missed calls, agad niya itong sinagot.
“ Hello--”
“ Babe, finally sinagot mo rin! “ Bahagyang nilayo ni Adam ang cellphone sa tainga dahil sa malakas na boses ni Estrellita sa kabilang linya. “ Where are you ba? Kanina pa kita tinatawagan, ayaw mong sagutin. May