LOGINSi Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
View MoreCHAPTER 43 Hindi alam ni Javier kung paano lalabas ng studio niya gayong kumpulan ang mga tao sa labas nito, sinisilip ang dingding gawa sa salamin kung may tao habang tila ba kinakalampag ang pinto para lumabas ang nasa loob. Hindi niya dinig ang mga pinag-uusapan ng mga nasa labas ngunit sa buka ng mga bibig nito, kita niya ang galit at mga sigaw na alam niya kung para saan at para kanino. “ Ang daming tao sa labas, Sir. Paano po tayo makalalabas niyan? “ tanong ng staff ni Javier, bakas ang takot habang nakasilip sa estante na pinagtataguan niya. “ Para silang mga nag r-rally. Tumawag na kaya tayo ng pulis? “ Hindi sumagot si Javier na nahihirapang mag isip sa kung ano ang gagawin niya lalo’t kailangan niya ring lumabas ngayon para hanapin at kausapin ang dalawang staff niya na umalis. Mainit ang mga mata ng tao sa photo studio niya pero hindi niya inasahan na dudumugin siya ngayon. “ Sir, paano tayo niyan? “ Mangiyakngiyak na tanong ng staff kay Javier. “ Nakakatakot pong luma
CHAPTER 42 ANONYMUS CONFESSIONS22hr ago[ Itago niyo na lang po ako sa pangalang Mae. 20 years old, graduating students. Ilang gabi na akong hindi makatulog nang maayos dahil sa isang karanasan na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Isa akong freelance model, paraket-raket para may pangbili sa mga pangangailangan ko at may pang-tuition sa pag-aaral ko. Madalang lang magkaroon ng opportunity sa carrer na tinatahak ko kaya kapag mayroong kumatok, kinu-kuha ko agad ang pagkakataon para magkaroon ng raket at siyempre ng pera. Aaminin ko, mukha talaga akong pera kaya kahit maliit ang ibayad, okay lang saakin. Pero nabago ang pananaw ko dahil sa nangyari saakin isang linggo ang nakalilipas. May nagpakilala saaking isang photographer na pangalanan na lang natin siyang si Mr.J. Siguro mga nasa 30’s siya kung pagbabasehan ang hitsura. Mataas siyang lalaki, maputi ang balat at mayroong mga matang kulay tsokolate. Akala ko noong una, isa lang siya sa mga pangkaraniwang photographer n
CHAPTER 41 Maingat na binalik ni Anna sa puwesto kung saan niya kinuha ang kahina-hinalang bagay na nakita niya bago tumalikod at bumalik sa lamesa upang buksan ang mga pagkaing dinala ni Javier para sa kaniya. Naupo siya sa silya at tahimik na kumain, subalit ang utak niya’y napuno ng mga katanungang tila ba mga patak ng kandilang pumapaso sa kaniya. May hidden camera sa loob ng kuwarto nila at hindi alam ni Anna kung paano niya ipo-proseso ang katotohanang may nanonood at nakikinig sa mga galaw at pag-uusap nila ni Javier sa loob ng ilang buwang pananatili sa poder ng pamilya nito. Tila ba bumabaliktad ang sikmura niya sa nalaman at nahihirapan siyang lunukin ang laman ng kaniyang bibig kaya agad siyang tumayo para lumayo sa pagkain. Lumabas siya ng kuwarto upang ikalma ang sarili. Saglit siyang natulala sa kawalan hanggang sa bumaba siya ng hagdan upang tumungo sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. “ P*ta...” Mahinang napamura si Anna habang nanginginig ang kamay niyang nags
CHAPTER 40 Mariing napalunok si Jessie, pinakiramdaman ang mga tao sa paligid nila na may kaniya-kaniyang mundo. Hindi niya inasahan na siya ang tatanungin ni Anna patungkol sa isa sa pinakamalalang isyu sa pamilya nila na matagal ng kinalimutan ngunit naungkat na naman dahil sa sinu-suspetsang pagkakapareho ng pangyayari sa kasalukuyan. “ Narinig ko kagabi iyong mga naging pagtatalo sa baba...” ani Anna nang makita ang pagdadalawang isip ni Jessie. “ Hindi naman kita pipilitin mag-kuwento kung hindi ka komportable. Gusto ko lang maliwanagan sa mga narinig ko kahapon. “ Mariing lumunok si Jessie at naiilang na tumingin kay Anna. “ A-Ano-ano ba iyong mga narinig mo kahapon? “ “ Iyong tungkol sa nangyari na noon, naulit na naman ngayon...” Nakaramdam nang matinding bigat sa dibdib si Anna sa ideya na paano kung totoo ang mga suspetsa ni Javier sa pagkamatay ng anak nila. “ At iyong tungkol sa nakatatanda niyong kapatid kung bakit mas pinili nitong manirahan sa malayo kahit okay na


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews