แชร์

CHAPTER 20

ผู้เขียน: janeebee
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-23 17:06:05

CHAPTER 20

“ No, hindi puwede, “ may awtoridad na sagot ni Sebastian na nasa kabilang linya sa pagpapaalam ni Estrella tungkol sa pagpunta sa bar.

“ Sige...” ani Estrella, nilingon ang kapatid niyang naghihintay sa likuran niya. “ Hindi talaga puwede ate. Ayaw ni Sebastian. “

“ Why not? “ tanong ni Estrellita, nakasimangot nang hablutin kay Estrella ang cellphone para siya ang kumausap sa lalaki. “ Hello, Sebastian? Si Estrellita ‘to. Payagan mong sumama ang asawa mo dahil kasama naman niya ako. Minsan lang siya lalabas kaya pagbigyan mo na kami. “

“ Papayag akong sumama siya sa’yo pero hindi sa bar, “ anito na lalong nagpabusangot sa mukha ni Estrellita.

“ Why nga? Wala ka bang tiwala sa asawa mo? Iniisip mo bang manlalalake siya kapag nag bar? “ Inis na tanong ni Estrellita, hindi pinansin si Estrella sa harap niya na kanina pa sumesenyas sa kaniya. Napabuga ng hangin si Estrellita upang ikalma ang sarili dahil baka mas lalong hindi payagan ang kapatid niya. “ Saglit lang kami
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 21

    CHAPTER 21 Mula sa mahimbing na tulog, nagising si Adam sa tunong ng cellphone niya na nasa lamesita sa gilid ng kaniyang kama. Pipikit-pikit niyang inangat ang kamay para kuhanin ang cellphone niya at nanlalabo pa ang mga mata noong silipin kung sino ang tumatawag sa kaniya. Nagbanggan ang kaniyang kilay nang makita sa screen ang pangalan ni Estrellita na bago pa niya pag-isipin kung sasagutin ay namatay din ang tawag. Ngayon ay bumungad sa kaniya ang oras, alas diyes na nang gabi at tadtad siya ng mga message mula sa dalaga. Bumangon siya sa kama, binalak basahin ang mga ito nang mag ring muli ang phone niya at pangalan ni Estrellita ang lumitaw sa caller name. Sa pag-aakalang emergency ito sa dami ng spam message at missed calls, agad niya itong sinagot. “ Hello--” “ Babe, finally sinagot mo rin! “ Bahagyang nilayo ni Adam ang cellphone sa tainga dahil sa malakas na boses ni Estrellita sa kabilang linya. “ Where are you ba? Kanina pa kita tinatawagan, ayaw mong sagutin. May

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 20

    CHAPTER 20 “ No, hindi puwede, “ may awtoridad na sagot ni Sebastian na nasa kabilang linya sa pagpapaalam ni Estrella tungkol sa pagpunta sa bar. “ Sige...” ani Estrella, nilingon ang kapatid niyang naghihintay sa likuran niya. “ Hindi talaga puwede ate. Ayaw ni Sebastian. “ “ Why not? “ tanong ni Estrellita, nakasimangot nang hablutin kay Estrella ang cellphone para siya ang kumausap sa lalaki. “ Hello, Sebastian? Si Estrellita ‘to. Payagan mong sumama ang asawa mo dahil kasama naman niya ako. Minsan lang siya lalabas kaya pagbigyan mo na kami. “ “ Papayag akong sumama siya sa’yo pero hindi sa bar, “ anito na lalong nagpabusangot sa mukha ni Estrellita. “ Why nga? Wala ka bang tiwala sa asawa mo? Iniisip mo bang manlalalake siya kapag nag bar? “ Inis na tanong ni Estrellita, hindi pinansin si Estrella sa harap niya na kanina pa sumesenyas sa kaniya. Napabuga ng hangin si Estrellita upang ikalma ang sarili dahil baka mas lalong hindi payagan ang kapatid niya. “ Saglit lang kami

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 19

    CHAPTER 19 “ Hindi na talaga siya nag message saakin? “ isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Estrellita matapos mag backread sa message box nila ni Adam. Mag o-one month ago na iyong huling conversation nila at hindi na ito nasundan pa matapos niyang i-seen ang huling message nito na nag goodnight. “ Ano, nakatulog na ba siya nang ganoon kahaba para di na mag message saakin? “ Pabagsak na humigang muli si Estrellita sa kama at tinakpan ng unan ang mukha niya para isigaw ang nararamdamang inis sa nangyayari ngayon sa kaniya. Magda-dalawang buwan na simula noong may hindi pagkakaintindihan ang dalawa na nauwi sa matagal-tagal na suyuan. Palaging pinupuntahan ni Adam si Estrellita sa bahay nito upang makipag-ayos. May dalang bulaklak at paboritong pagkain ng dalaga sa pagbabakasakaling makatulong ito sa pagpapalambot ng pusong nagtatampo pero nanatiling matigas si Estrellita. “ Napakahina niya. Sinukuan niya kaagad ako nang ganoon-ganoon lang? ” bulong ni Estrellita nan

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 18

    CHAPTER 18 “ Mag r-resign na ho kayo? “ hindi makapaniwalang wika ni Anna kay Luz na abala sa pag-iimpake ngayon ng mga gamit sa maleta. “ Biglaan ho yata, ate Luz? Ngayon na rin po kayo aalis? “ Malungkot itong tumango. “ Kailangan na kaagad eh. Iyong panganay ko kasing anak, buntis at mag-aasawa na kaya wala ng magbabantay sa asawa ko sa bahay. Kawawa naman at hirap iyon tumayo at kumilos dahil nga roon sa stroke niya. Hindi naman siya kaya ng dalawa kong asikasuhin dahil mga maliliit pa. “ Hindi nakaimik si Anna na hindi maiwasang malungkot sa biglaang pag-alis ng isa sa mga kasama niya, subalit hindi rin niya maiwasang mangamba dahil ngayong araw din na ito balak niyang magpaalam sa dalawang mag-asawa tungkol sa pina-plano rin niyang pag-alis. “ Dalawa na lang kayo ni ate Toyang mo ang matitira dito. Si Manang Susan naman, hindi naman na puwede sa mga gawaing bahay na pangmalakasan dahil matanda na. Hindi ko alam kung binabalak pang maghanap ng ipapalit saakin dahil di naman

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 17

    CHAPTER 17 " Kailangan nating pumunta sainyo...sa bahay niyo dahil gusto kong doon tayo tumira kasama ang pamilya mo, “ sambit ni Anna na halos pumiyok sa kaba. Kitang-kita niya kung paano mag-iba ang ekspresyon ni Javier tila hindi natuwa sa narinig mula sa kaniya. “ Nagbibiro ka ba? “ may bakas ng sarkastikong tanong ni Javier. “ Bakit mo namang pipiliing tumira sa bahay na ‘yon, Anna? Anong...anong iniisip mo? “ K-Kasi gusto kong magkaroon nang maayos na buhay iyong magiging baby natin? “ “ At sa tingin mo hindi ko iyon mabibigay? “ tanong ni Javier. “ Hindi nama sa ganoon. H-Hayaan mo muna akong magsalita, okay? Pakinggan mo muna ako, please? “ Pakiusap ni Anna, nilalamon ng kaba habang nakatingin sa mga mata ni Javier na inalis naman ang tingin sa kaniya at ibinaling ito sa harap ng sasakyan. Napalunok si Anna, iniipon ang lakas ng loob bago ibinuka ang bibig niya. “ Kaya ko nilapitan si Ma’am Sasha kasi gusto kong bago tayo ikasal, maayos ang relasyon niyo kahit papaano.

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 16

    CHAPTER 16 Ramdam ni Javier ang init ng mga tingin sa kaniya ng matandang lalaki habang nakaupo sila ni Anna sa kabilang sopa na gawa sa kahoy, sa gilid niya ang bunsong kapatid ni Anna na si Arianne, abala naman ito sa pagkain ng dala nilang miryendang pizza at pansit. “ Sorry, nakalimutan kitang balaan tungkol kay Lolo. “ Bulong naman ni Anna kay Javier. “ Pero mabait naman siya, huwag kang mag-alala. Nangahoy kasi siya kanina kaya may bitbit na itak. “ Ngumiti na lamang si Javier, hindi pa rin mawala ang kabog sa dibdib niya sa tuwing napapatingin siya sa Lolo ni Anna dahil hanggang ngayon, nakatali pa rin sa baywang nito ang kuluban kung nasaan ang itak. “ Kailan nga ulit ang kasal niyo? “ tanong ng ina ni Anna, si Joyce. May kapayatan at maliit na babae. Mahaba na abot hanggang balakang ang kulay abo nitong buhok .“ Sa susunod ng buwan na tama ba? May petsa na ba kayong napili? “ “ Wala pa pong eksaktong date pero naisip na po namin na katapusan na para mapaghandaan nama

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status