"Malapit na tayong bumaba sa airport nakabusangot parin ang maganda mong mukha, ngumiti ka naman dyan Ijuvab."
Matalim na titig ang ipinukol ni Samara sa katabing lalaki na may malawak na ngiti na kanina pa nya gustong saktan pero pinigilan nya lang ang kanyang sarili. Kanina pa nya ito gustong singhalan pero pinipigilan nya ang kanyang bibig dahil sa kapatid nitong malakas ang instinct na kailangan nyang ingatan.
Hindi nagka-taon kung bakit nasa terirtoryo sya ni Hale, sinadya nya ang lahat mula sa pagkakabangga nya para magkita sila hanggang sa pag apply nito bilang P.A nya. Lahat ng ginagawa nya mula ng makita sya ng binata ay naka align sa misyon nya na unti-unti nyang gagawin. Kailan nyang magawa ang misyon nya hindi lang para sa kanya kundi para sa pamilya nya. Kaya kailangan nyang pag tiisan ang pagsunod at pagiging alalay ni Hale kahit naiinis sya sa mga pinapakita nito na parang matagal sya nitong kilala. Mas naiinis sya dahil alam nyang nakikita lang nito sa kanya ang asawa