Samantala, bago lumapit sa kanya ang lalaki ay nakausap ito nina Sheynon at Celeste. Pinsan ni Celeste ang lalaki. Anak ito ng kapatid ng kanyang ina. Kung tutuusin ay hindi ito related sa mga Malvar dahil ang ina ni Celeste ay pangalawang asawa ng ama nila ni Fredrick at ang tanging may koneksyon lamang sa mga Malvar ay ang ina ni Fredrick at Georgina.
“Brusko, ito. Ibigay mo sa babaeng iyon.” Itinuro ni Sheynon si Georgina sabay abot sa lalaki ng kopita ng alak na may inilagay na droga.
Ilang beses nang pabalik-balik sa presinto si Brusko dahil sa pagdodroga nito kaya naman ayaw na ayaw ito ng pamilya Malvar. Kaya lang naman ito nakakapasok sa Chantrea ay dahil kay Celeste.
Nang makita ni Brusko kung sino ang itinuturo ni Sheynon ay kaagad siyang ngumisi. Napukaw ng babae ang atensyon niya. “Sino siya? She looks hot. Mukhang hindi ko palalampasin ang gabing ito na hindi siya maikakama.” Dinilaan pa nito ang pang-ibabang labi na tila ba hindi makahintay na matikman si Georgina.
“