LOGINBook 4 Nagkakilalang magkaaway sina Griffin at YLena ngunit ang masama pa roon ay naging Boss niya ito sa bago niyang trabaho. Paano haharapin ni YLena ang lalaking lagi niyang nakasagutan? Isa siyang palaban at hindi basta nagpapaapi ngunit bakit pagdating kay Griffin ay laging tiklop ang kanyang tuhod? Hahayaan ba niyang pasukin nito ang malambot niyang puso o baka naman siya mismo ang mang akit rito lalo na at mukhang hulog na hulog pa ito sa dati nitong Girlfriend?
View MoreHindi magkandaugaga si Georgina habang bitbit ang malaking bayong at hawak-hawak ng isang kamay ang mahabang palda upang hindi siya madapa saka lalo pang binilisan ang paglalakad. Isang minuto na lang at male-late na siya sa appointment niyang inilaan sa kanya ng madrasta. Ano pa nga ba ang gagawin niya kundi ang makipag-date na naman sa mga lalaking hindi niya kilala na nireto nito. Mabuti sana kung kahit papaano ay disente namang tingnan ang nakakasalamuha niya pero hindi. Bukod sa matatanda na ay para pa ang mga itong nakalunok ng sangkaterbang beer sa laki ng tiyan.
Katulad na lang ng ka-meet up niya ngayon na nakilala niya dahil sa deskripsyon na ipinadala sa kanya ng madrasta. Ang lalaking kaharap niya ay kasing-edad na ng kanyang ama at naninilaw ang ngipin na tila hindi nagto-toothbrush. Kahit sa harap ito ni Georgie, ang palayaw niya, nakaupo ay singhot na singhot niya ang masangsang nitong amoy na parang bulok na isda. Nasa isang kilalang restaurant sila sa Quezon City kaya karamihan sa mga kustomer ay nakatingin sa kanila dahil sa kakaibang ayos nila. Paano kasi ay para siyang manang sa suot niyang mahabang manggas na polo at sayad sa lupa na palda na kulay dilaw. âIkaw? Ikaw ang anak ni Mitz? Nakakadismaya ka naman, iha. Ang akala ko pa naman isang maganda at seksi ang ipapadala sa akin ng babaeng âyon!â magkasalubong ang kilay na turan nito kay Georgie habang titig na titig sa kanya. Halatang-halata ang pagkadismaya at pagkadisgusto sa nagmamantika nitong mukha. Napaismid si Georgie. âAnoâng tingin ng lalaking âto sa sarili nito? Isang adonis na napakakisig at malakas makalaglag panty?! Naiinis na hiyaw niya. Hindi niya rin masisisi ang kaharap kung bakit nagawa siyang laitin nito. Nakasuot siya ng makapal na salamin na hugis parisukat at maitim pa sa uling ang makapal niyang kilay. Ang kanyang labi ay kinulayan niya matingkad na kulay pulang lipstick at sa kapal niyon ay nagkalat na sa kanyang bibig at hindi lang âyon. Naglagay rin siya ng pekeng bulutong sa mukha upang lalong mandiri ang katagpo niya. Ginawa ni Georgie ang lahat ng ito upang itago ang kagandahan niya. Nadala na siya sa unang blind date na pinuntahan niya dahil muntikan na siyang halayin ng katagpo dahil sa tunay niyang hitsura. âMabuti naman po kung ganoon, Uncle.â Ipinagdiinan niya ang huling sinabi. âNang sa ganoon ay hindi ko na kayo kailangang harapin dahil hindi ko kaya ang masangsang na amoy na binubuga ng bunganga mo.â Matabil ang dila ni Georgie lalo na kapag hindi niya gusto ang kaharap. Hindi lang âyon. Nais niyang ipabatid sa kanyang madrasta sa pamamagitan ng lalaking kaharap kung paano niya sinabotahe ang blind date na sinet-up nito. Wala itong pakialam kung sino mang lalaki ang mapapangasawa niya basta ang mahalaga ay masipa siya nito sa mansyon ng mga Lucindo upang marahil ay kamkamin nito ang yaman na dapat ay para sa kanya. âPangit ka na nga, matalas pa ang dila mo. Pustahan, walang lalaking papatol sa pangit na katulad mo!â Tumaas ang sulok ng labi ni Georgina at nakakalokong tinapunan ito ng tingin. Isinukbit niya sa balikat ang bayong at mabilis na tumayo pero bago iyon ay binalingan niya ang lalaki. âIpapakita ko sa âyo, na kahit ganito ang hitsura ko ay may papatol sa akin dahil maalindog ako.â Nahagip ng kanyang mata ang isang lalaking nakasuot ng kulay maroon na bussiness suit na papalapit sa kinaroroonan niya at kaagad itong nilapitan ni Georgina. Nagulat ang lalaki nang bigla siyang huminto sa harap nito. Kasunod niyon ay hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang lalaki na makahuma. Kaagad niya itong hinawakan sa magkabilang pisngi at hinila pababa ang mukha saka mabilis na dinampian ng halik ang labi nito. Pinanganak na matapang at palaban sa kahit anong hamon ng buhay si Georgina. Lalo na magmula nang mamatay ang kanyang ina at nag-asawa ng iba ang kanyang ama. At kapag may taong gustong humamon sa kanya ay hindi niya ito uurungan, katulad na lang ngayon. Nang maghiwalay ang labi nila ay isang malamig na tingin ang ipinukol sa kanya ng kaharap. Hindi maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha nito pero hindi umatras si Georgina bagamaât bahagyang nakaramdam nang kaba sa dibdib dahil sa talim ng tingin nito. Ngayon lang niya napansin kung gaano kaguwapo ang lalaking kaharap. Nanghihigop ang matalim na tingin nito at ang makinis na mukha ay kasingdilim ng makapal na ulam na anumang oras ay nagbabadyang bumuhos. âPasensya na, kailangan ko langââ âWho the fuck are you to touch me? I dare you to try that again and I will cut off your lips!â mababa ang boses at umiigting ang panga na banta nito. Umangat ang isang kilay ni Georgina. Hindi naapektuhan sa galit ng lalaki. âSus! OA mo naman. Parang halik lang, eh. As if naman hindi ka pa nakatikim nuân! Porke ba ganito ang hitsura ko ay wala na akong karapatang manghalik?â Inirapan niya ito saka humalukipkip. Alam niyang mali nga ang ginawa niyang panghahalik dito pero ipaglalaban niya na tama siya. Huwag kang mag-alala, mabango ang bunganga ko. Kahit ang lipstick na gamit ko ay napakamahal, hindi ka na lugi dahil nalasahan mo! âHalik lang? So, kahit sinong lalaki ang haharap sa âyo ay basta mo na lang hahalikan? Ganuân ka na kadesperada dahil wala nang papatol sa âyo?â Gaano man katapang si Georgina, malambot pa rin ang puso niya sa masasakit na insulto at nasaktan siya sa sinabi ng lalaki. Walang sali-salitang lumipad ang palad niya sa pisngi nito. The crisp sound of her slap echoed in the entire restaurant and the surroundings became frozen. Naikuyom ni Georgina ang kamao. âHindi porkeât guwapo ka ay puwede mo nang yurakan ang pagkatao ko. Hindi mo ako kilala para insultuhin nang ganyan. Sa âyo na âyang halik mo dahil hindi ako interesado!â Mabilis niya itong tinalikuran at nagmamartsang naglakad palabas ng restaurant. Tuluyan nang nasira ang araw niya pero kahit papaano, sa isiping ligtas na naman siya sa blind date na s-in-et-up ng madrasta ay gumaan nang bahagya ang pakiramdam ni Georgina. Hindi pa man siya nakakaapak sa labas ng restaurant ay biglang may pumigil sa braso niya. Mahigpit ang pagkakahawak niyon at wala siyang planong bitiwan. Nang lingunin niya kung sino ay ang guwapo pero supladong lalaking hinalikan niya. âWait up, lady. Sa tingin mo basta-basta ka na lang makaalis matapos mo akong sampalin? Pagbabayaran mo ang ginawa mo.â Pagkasabi niyon ay biglang may unipormadong kalalakihan ang tumayo sa tabi nito. âHulihin niyo siya at dalhin sa kotse,â puno ng awtoridad na utos nito. Gustong kaltukan ni Georgina ang sarili. Ano ba âtong napasukan ko? Miyembro ba siya ng mafia at gusto niya akong kidnap-in?Next:âGriffin!â Malakas na napakapit si YLena sa braso ng asawa dahil sa biglang pagbilis ng speedboat, samahan pa iyon ng malakas na alon kaya lalong umuga ang katawan niya. âCalm down, my wife. Basta ako ang driver mananatili kang safe!â Inakbayan siya ni Griffin hanggang magdikit ang katawan nila. Magulo na ang buhok ni YLena at kahit ang suot niyang wedding gown ay nababasa na rin. âSaan ba talaga tayo pupunta at kailangan pa nating iwan ang mga bisita natin?â âHuwag mo silang alalahanin. Nandoon ang mga maguang natin para asikasuhin sila. What I'd like to do now is to show you my gift for our wedding. I hope you will like it.â Nanlaki ang mata ni YLena nang ilang sandali pa ay patungo na ang speedboat nila sa isang isla. Bagamaât hindi iyon ganoon kalaki ay malaki pa ring maituturing kung gagawing private island. âAno ang gagawin natin dito?â Huminto ang speedboat sa isang daungan at hindi siya hinayaan ni Griffin na makababa dahil bigla siya nitong binuhat. Hindi man lang
NextMadilim ang paligid nang magmulat ng mata si YLena. Pinakiramdaman niya ang sarili at nang napansin na bukod sa pinatulog siya ay hindi siya sinaktan ng taong duukot sa kanya. Naramdaman niya rin na hindi nakatali ang kanyang kamay kaya naman agad niyang inalis ang piring na nakatabon sa kanyang mata. Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang nakasakay siya sa isang limousine at suot pa rin niya ang traje de boda na suot niya kaninang umalis sa bahay ni Griffin. Dahil sa matagal na pagkapiring at pagkawala ng malay ay hindi agad niya nai-adjust ang mata at hindi agad nakilanlan ang taong nakaupo sa tabi niya. She was leaning on the backrest, and when she regained consciousness, she sat up straight. Ni hindi na niya napansin kung maayos pa ba ang make-up niya.âYLenaâŠâ Ang pamilyar na baritonong boses na iyon ang pumukaw sa lumilipad na diwa ni YLena. Nanlaki ang mata at nakaawang ang labi na nilingon niya ang pinagmulan ng boses. âGriffin!â masayang sigaw niya at mabilis na
Next:Hindi akalain ni YLena na ang masayang araw na hinihintay niya ay mauuwi sa isang trahedya. Habang nasa biyahe patungo sa venue ng kasal ay nasira ang sasakyang sinasakyan niya sa gitna ng hindi mataong daan. Agad siyang kinabahan na baka may mangyaring hindi maganda kaya naman mabilis niyang tinawagan ang kasintahan. Ngunit kahit anoâng gawin niya ay hindi niya ito makontak. Nagugusot na ang suot niyang gown sa mahigpit na paghawak doon pero hindi pa rin niya makontak si Griffin. Kinakabahan na siya.âKuya,âtawag niya sa driver. Dahil malapit lang ang simbahan mula sa bahay bakasyunan ay ang driver lang ang kasama niya. Hindi siya nagtaka kung bakit pinayagan siya ni Griffin kahit pa nag-suggest si Georgina na mag-convoy ng bodyguards. âPwede niyo ho bang tawagan si Griffin? O kung sino man ang pwedeng tawagan?âNilingon siya ng driver. âPasensya na ho, maam. Pero hindi ko rin makontak si Sir Griffin, eh.â Lalong dumagundong ang kaba sa puso ni YLena. Ano ang nangyayari? Ba
Next:Inabala ni YLena ang sarili sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Griffin nitong mga nakalipas na buwan. Kapag hindi ito ang kasama niya ay si Georgina ang kasa-kasama niya na siyang pinaka-excited sa lahat. Mula bridesmaid hanggang flower girl, at kung sino-sino pa ang kailangan ay naayos na nila. Pati ang mga ninong ay kumpleto na rin. Ang kulang na lang ay ang paglakad ng bride at groom sa simbahan. Wala pa rin silang balita sa mag-amang Amanda at Armando pero ang pahiwatig sa kanya ni Griffin ay may lead na ang mga ito kung nasaan si Armando. Walang dapat ipag-alala si YLena dahil protektado siya ng tauhan ng kasintahan. Habang naghihintay sa araw ng kasal ay patuloy pa rin ang trabaho niya sa Vâeauty, na ngayon ay siyang leading magazines sa bansa, kahit na sa buong mundo. Kung hindi lang sa paparating niyang kasal ay siguradong binuhos na niya ang oras niya sa trabaho pero agad iyong tinutulan ni Griffin. âWe will have our own family soon. Kailangan mo nang balanasehin ang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealistaïŒnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore