Warning:
This chapter contains words that might be offensive for others. (abortion)
******
Ilang araw matapos ang World Hacker Con ay napagpasyahan ni Georgina na bumisita sa mga Malvar. Pero bago niyon ay inalam niya ang kalagayan ni Shadow kung hindi ba ito pinagsamantalahan ng ibang tao dahil sa kalasingan nito pero nang malaman na maayos ang lagay nito ay naging kampante ang loob niya. Sa maikling sandali na pag-uusap nila ni Shadow ay marami silang napagkasunduan ng mga ito.
Ang isa pang inalala ni Georgina ay ang ina ng batang tinulungan niya. Ayon sa nurse na nakausap niya bago umalis sa ospital ay maayos na ang lagay nito. Pero ang hindi alam ni Georgina na ang ginawa niyang pagtulong sa babaeng iyon ay magkakaroon ng impact sa kanya sa susunod. Sa ngayon ay masaya siyang nakikipag-usap sa kanyang lolo’t lola. Kung sa mata ng iba ang tingin sa kanya ay isa lamang siyang impostor at ampon, pero kay Georgina, bawat minutong kasama niya ang mag-asawa ay tini-treasure niya.
Ang