Next:
Hindi alam ni Georgina kung saan siya napadpad basta ang alam niya ay wala siyang tigil sa paglakad-takbo at kahit nananakit na ang paa niya hindi siya tumigil. Walang gaanong tao sa kinaroroonan niya at ang agwat ng mga bahay ay malalayo. Sa kabilang dako ng kalsada ay masukal na kagubatan.
“Heh! Surpresa pala, huh?” mapait na bulong niya. Pasalampak siyang umupo sa tabi ng kalsada, tinanggal ang sapatos na suot at inilagay sa tagiliran saka tahimik na lumuha.
Nasasaktan siya sa nakita. Nagseselos siya, aaminin niya pero hindi niya iyon pwedeng ipakita kay Nathalia o Rhett. Hindi niya puwedeng ipakita ang totoo niyang nararamdaman dahil kahinaan iyon. Sa walang taong kalsada ay dito siya magmumukmok at tahimik na iiyak. Kahit ang poste ng ilaw sa kalsada ay nakikisabay sa pagdamdam niya. Sabayan pa na unti-unting pumatak ang ulan.
Muli siyang napatawa. May nagawa ba siyang kasalanan sa dati niyang buhay para parusahan siya ng ganito? Kahit lumalakas ang buhos ng ulan ay hind