Nang makalabas si John, ang buong silid ay nanatiling tahimik. Walang gustong maunang magsalita, marahil sa takot na bumalik ang init ng emosyon. Si Amanda ang unang gumalaw—maingat niyang pinunasan ang luha ni Fortuna at saka niyakap ito ng mahigpit.
“Anak…,” mahinang sambit ni , habang dahan-dahang naupo sa tabi ng kama. “Hindi kita pipigilan kung gusto mong bumalik sa kanya… pero sana sigurado ka na hindi mo lang ginagawa ‘to dahil may anak na kayo.”
Tumingin si Fortuna sa ina, pagod ang mga mata, ngunit malinaw ang paninindigan. “Hindi ko alam kung kaya kong bumalik. Pero hindi rin tama na putulin ko ang ugnayan nila ng anak namin. Hindi ko puwedeng gawing kasangkapan si Alessia para sa galit ko.”
“Proud ako sa’yo,” ani Jack, bakas sa boses ang pagtitimpi. “Hindi madaling gawin ‘yan, anak. Pero pinipili mong lumaban sa mas makataong paraan.”
Tahimik si Tony, nakatalikod sa kanila. Hanggang sa marinig nila ang marahang langitngit ng kanyang boses.
“Hindi ako galit dahil gusto ko la