Chapter 10
As expected nagalit ang parents ni Sebastian ngunit ang hindi nila inaasahan is nanatili tahimik si Sebastian at tinanggap lahat ng salita ng parents niya.
Karaniwan kasi sa ginagawa nito is binubulyawan nito pabalik parents niya at umaalis pero ngayon nakaupo lang ito sa tabi niya at nakayuko.
Sinabi ng ginang na sumasakit ang batok niya. Napatigil si Sebastian at napaangat ng tingin.
"Nanny! Pakuha ng tubig si mom tapos patawag ng doctor!"
Nataranta si Sebastian at tumabi sa mom niya.
"Mom huwag ka na magalit. Im sorry okay hanggang ngayon iniisip ko pa din gagawin ko but sisiguraduhin ko na aakuin ko ang bata at tatanggapin ang responsibilidad kung akin talaga iyon. Wala sa choices ang abortion at napag-usapan na namin iyon ni Haven."
Napatitig ang ginang kay Sebastian at bahagya nakalimutan ang inis nito sa anak.
"Ano gagawin mo sa mga Nicastro? Pumayag si Bree paano ang parents niya?"
Napatigil si Sebastian tapos tiningnan si Hilda. Napabuga ng hangin si Hilda na