AXECEL
"He left? Kanina ay tinatawagan niya pa ako tapos ngayon sasabihin nila sa akin na umalis na siya? Saan papunta? America?
Peke akong ngumiti hanggang sa tumawa ako, na hindi ko namalayan ay umiiyak na pala ako. Pero bakit ba ako umiiyak kung wala din naman pala kaming label?
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi, at huminga ng malalim saka dahan-dahan ko iyon ibinuga sa kawalan.
Laglag ang balikat na umalis na lugar na iyon at ni isang salita ay walang akong may binitawan.
"Axecel?" Rinig kong tawag sa akin ni Gelo.
"Hayaan nalang muna natin siya." Wika naman ni Alfred.
Imbes na umuwi ng apartment, dumiretsyo ako ng Uni at nagpaalam sa guard na gagamitin ko ang pool area para mag praktis. Alibi ko lang iyon para payagan ako nito.
Tumungo ako ng locker para magpalit ng swimming trunk at magbanlaw ng katawan. Nang matapos ay kaagad akong lumusog sa tubig at doon lumangoy nang lumangoy hanggang sa mapagod ako.
Umahon ako saka naupo sa gilid ng pool. Napatungo ako habang hinahayaa