Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ni Athana nang binawian na ng buhay si Ms. Six. Napayuko siya at hinaplos ang talukap ng mga mata ni Ms. Six upang ipikit ang ito.
“Mamimiss kita... Salamat, dahil naging mabuti ka sa’kin.” Saad ni Athana sa kanyang isipan.
Naalarma naman silang apat sa loob nang bigla silang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril na mula sa labas. Napatakbo kaagad silang apat palabas ng hideout nila Ms. Six. Nakita nila ang dalawang lalaking nakahilata na sa may daan malapit sa kanilang sasakyan. Mabuti nalang din at bulletproof ang kanilang van kaya hindi tumagos ang mga bala sa loob.
Dali-dali na silang pumasok sa loob ng van at agad naman itong pinaandar ni Gun.
Umiiyak na rin ngayon ang dalawang bata dahil sa takot.
“Shhh… andito na si momma. Hindi hahayaan ni momma na may mangyaring masama sa inyo.” aniya habang yakap-yakap niya ang kanyang dalawang anak.
Tumulong na rin sina Bel at Shine sa pagpapatahan sa dalawang bata hanggang sa muling makatulog si Th