CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF

CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF

last updateLast Updated : 2025-05-26
By:  introverthomieUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
7 ratings. 7 reviews
51Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Kagaya ng ibang mag-asawa, nauwi rin sa hiwalayan sina Hunter at Athana. Maging si Athana ay hindi rin makapaniwalang nauwi lang sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Nang umalis si Athana sa puder ni Hunter, hindi niya alam na buntis na pala siya sa kanilang kambal na anak ni Hunter. Sobrang sakit para sa kanya tuwing iisipin niya na hindi na niya mabibigyan pa ng kompletong pamilya ang kanyang mga anak. Sa kasamaang palad, naaksidente si Athana. Ngunit, safe naman ang kanyang kambal na anak. Ang malaking epekto lang sa kanya ay pansamantalang nawala ang kanyang mga ala-ala. Ayon din sa doktor, himala nga raw ang nangyari sa kanilang mag-iina, dahil mabilis din na naka-recover ang katawan ni Athana. Nagulat din siya nang malaman niyang may kambal na anak pala siya. Pagkalipas ng ilang taon, napalaki naman ni Athana ng maayos at mapagmahal ang kanyang kambal na anak na sina Ather at Thana. Sa pagpasok ni Athana bilang isa sa mga pinuno ng gang ng mga magnanakaw. Muling magtatagpo ang mga landas nilang dalawa ni Hunter, ang kanyang dating asawa. Ano kaya ang mararamdaman ni Hunter kapag muli niyang nakita ang kanyang dating asawa na kabilang na ngayon sa isa sa mga pinuno ng mga magnanakaw?

View More

Chapter 1

Prologue

"DALIAN niyo na. Baka bumalik na ang mag-asawang Cruz. Malilintikan tayo nito!" Sigaw ni Athana sa mga kasama niyang magnanakaw nang makita niyang nagtatawanan pa ang mga ito dahil sa mga alahas na nakuha nila.

Kapag marami kasi silang nakuha ay malaki rin ang ibabayad sa kanila, at kapag kaunti naman ay kaunti lang din ang kanilang matatanggap at paghahatian pa nila iyong lahat, kaya nagsasaya talaga ang kanyang mga kasamahan sa tuwing marami silang nakukuhang mga alahas, gold, at saka pera.

Hindi naman sila nagnanakaw sa mga taong walang kasalanan sa lipunan. Galit sila sa mga kapwa nila magnanakaw, kaya ang pinupuntirya lamang nila ay 'yong mga taong nangakong bibigyan ng magandang kinabukasan ang mga tao, ngunit hindi naman nila ito natutupad dahil sa pangungurakot nila.

"Miss Eight! May sasakyan na paparating." Mahinang bulong ni Bel, isa sa mga kasamahan niyang magnanakaw.

Miss Eight ang tawag nila sa kanya dahil nasa ika-walong posisyon na siya ng gang ng mga magnanakaw.

Dali-dali naman niyang hinawi ang kurtina. Nang makita niya kung sino ang taong lumabas mula sa kotse ay kaagad din niyang inayos ang kurtina.

"Si Rodolfo 'yan, anak nila Mr and Mrs Cruz. Di-diretso rin ang lalaking 'yan sa kuwarto niya dahil sa sobrang kalasingan." Saad niya, saka niya ipinagpatuloy ang paglalagay ng mga alahas sa kanyang dalang maliit na bag.

Nang matapos na s'ya sa paglalagay ay pina-una muna niyang lumabas sa bintana ang kanyang mga kasamahan bago siya sumunod sa kanila.

Masayang nagtatawanan ang kanyang mga kasamahan habang tinatahak nila ang madilim na daan.

"Miss Eight. Gusto mo ng mas malaking kita, 'di ba?"

Hindi siya umimik sa itinanong ng kanyang kasamahan na si Jugs.

"Alam kong kailangan mo ng malaking pera ngayon. Sinabi sa akin ni Bel na kailangan mo raw ipatingin sa totoong doktor ang anak mong lalaki." Dugtong pa ni Jugs.

"Ano na naman 'yang binabalak ninyo? Isa lang ang misyon natin ngayong gabi." Saad niya habang diretso lang ang tingin sa daan.

Lumapit naman si Jugs at Bel sa kanya habang patuloy lang sila sa paglalakad.

"Grab mo na ang chance na 'to, Miss Eight. Siguradong pagkatapos nitong susunod na papasukin natin na mansyon, makakalipat na kayo ng mga anak mo sa mas kumportable na bahay." Saad ni Bel.

Napaisip naman siya bigla sa sinabi nito.

Masyado kasing masikip ang tinutuluyan nila ngayon, dahil marami silang mga kasama sa iisang bahay na maliit lamang, at alam niya rin naman na hindi ito makakatulong sa mga anak niya, lalo na kay Ather na masakitin.

"Sige, game ako. Saan 'yan?"

*****

Nakatitig nang seryoso si Hunter sa kanyang kaibigan na kakarating pa lamang na si Tyler habang nakasandal ito sa kanyang swivel chair.

"Is it good news or bad, Tyler?" kaagad na tanong niya sa kanyang kaibigan.

Napailing naman si Tyler nang makalapit na ito sa kanya.

"You're so impatient, Mr. Hunter."

"Just tell me the good news, Tyler." He impatiently said.

"Fine. We already did our best to find your ex-wife, but there's still no good news, Hunter. Hindi namin alam kong saang lupalop ng mundo nagtatago ang ex-wife mo." Saad nito at naupo ito sa table niya.

Sinenyasan niya ang kanyang kaibigan na umalis na muna pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. Napakamot na lamang si Tyler sa kanyang batok habang naglalakad ito palabas ng opisina ni Hunter.

Napahilamos na lamang sa kanyang mga palad si Hunter.

"Damn it, Athana... Where the f*ck are you?!"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
introverthomie
Happy 1k+ views! ...
2025-05-26 10:49:21
1
user avatar
introverthomie
Happy 900+ views! ......
2025-04-24 22:12:55
1
user avatar
introverthomie
Happy 800+ reads!!! 🥹......
2025-04-09 12:57:52
1
default avatar
fabone1943
waiting sa nxt ud author....
2025-04-01 09:43:14
1
user avatar
introverthomie
Happy 700+ reads CEWTT!!! Maraming salamat sa pagbabasa ng aking ikalawang nobela ...️......️
2025-04-01 09:36:02
1
user avatar
introverthomie
Happy 500+ reads CEWTT! ......️
2025-03-21 17:57:31
2
user avatar
NicaPantasia
recommended 🫰🏻
2025-02-26 11:05:53
1
51 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status