Nagising si Lola Astrid dahil binabagabag siya sa kanyang nalaman. Wala siyang matandaan tungkol sa kasal nila Ace at Ashley.
Pilit man niyang balikan sa alaala kung paano iyon nangyari ay walang pumapasok sa kanyang isipan.
Bumangon si Lola Astrid. Nagpakawala ng malalim na paghinga.