BIANCA POV
Pagkatapos kong ihatid ang mga bata sa School iniwan ko na sila doon. Sila Daniel at Anyana naman ay tuluyan na ding pumunta sa office ng iskwelahan para makipag-usap kung pwede pa bang ihabol si Anyana na pumasok ngayung school year. Na-enroll na pala siya ng Mommy niyang si Jeneva noon pero hindi na-follow- up dahil nagkasakit nga ulit ang bata.
Sana lang maihabol. Kawawa din kasi ang bata. Alam kong isa sa mga dahilan nito kaya gustong mag-aral dahil kina Scarlett at Stephen. Sabagay, kung tutuusin magkapatid naman talaga sila sa ama. Kaya siguro malapit ang loob nila sa isat-isat dahil doon.
Pagkadating ng opisina nagulat pa ako dahil naabutan ko si Amber. Bakit parang sobrang aga naman yata nitong kaibigan ko? Ilang araw din itong hindi nagpakita sa akin kaya hindi ko alam kung saan nagsusuot itong kaibigan kong ito. Napaka happy go lucky niya kasi talaga eh. Walang responsibilidad sa buhay kaya ang bilis niyang magdesisyon ng mga bagay-bagay.
"Good Morning Bia