KABANATA 147
Buong umaga tuloy ay sinisipag akong mag-abang hanggang ala-una ng tanghali. My inner self really wants to see him. I want to see him so badly, kaya sa mumunting pag-asa na iyon ay umasa ako.
“Aba! Bakit parang masigla ka ngayon aber?” pang-aasar ni inay na marahan ko lang na inilingan.
“Wala lang ‘nay, may hinihintay lang po ako,” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Sino ba ‘yan at parang ganadong ganado ka naman?” pang-aasar ni inay kaya naman namula ang psingi ko.
Ano ba ‘yan para naman akong teenager na nagtatago ng feelings sa crush niya, ito nga at nabuntis pa. TInitigan ako ng maigi ni inay at mukhang nahulaan na nito kung sino ang hinhintay ko.
“Matagal ko na ring hindi nakikita ang batang iyon, kung makita ko man ay mabilis ding nawawala sa harapan ko. Parang may tinatakbuhan palagi kapag nakikita ako,” saad ni inay kaya muling nagpintig ang tenga ko.
“N-nagpapakita siya rito malapit sa b-bahay ‘nay?” utal na tanong ko sa aking ina.
Mukha namang nagulat siya d