Isang aksidente ang akala ni Fily kung bakit sila naghirap at nawala ang kanyang memorya. Ngunit isang lalaki ang bigla na lang sumulpot sa kanyang buhay at inalok siya bilang sex slave. Kapalit nun ay ang kaligtasan ng kanyang ina sa hospital. Ngunit hanggang saan ang kaya ni Fily lalo na pag nalaman nitong ang lalaking pinagbibigyan niya ng sarili ay ang kanyang ex-boyfriend? Hanggang saan ang kaya ni Fily kung ang tinuring na matalik na kaibigan at ang pinakamamahal nitong lalaki ay magkasintahan. Anong mangyayari kay Fily na tuluyang nahulog ulit sa lalaki sa pangalawang pagkakataon? Paano kung ang lahat ng pinakita ng lalaki ay purong laro at paghihiganti sa pag-iwan ng babae?
Lihat lebih banyakFILOTEEMO YVETTE SALES
It’s our 5th anniversary. Kaya excited na akong pumunta sa address na binigay ni Colton, naalala kong may binigay ang lalaki nung isang linggo. Kaya mabilis ko iyong kinuha sa ilalim ng higaan ko.
Habang tinitignan ang fit ko sa salamin ay sumulpot ang bestfriend ko since elementary, her name is Devia San Agustin. There she goes again with her large and thick eyeglasses, kumaway pa siya sa akin pagkapasok niya sa room ko.
“Akala ko hindi ka na makakapunta e, look at my dress, Colton bought this for me. Is it okay lang ba? What do you think Dev?” tanong ko sa kanya ng makalapit ako sabay yakap sa kanya. Although she love wearing eyeglasses, I still find her pretty and gorgeous. Naku kung pumayag lang talagang maayusan itong bestfriend ko. Sure akong maglalaway yung lalaking bumasted sa kanya before pa kami maging besties. “Y-you look so beautiful in that dress Fily,” nakangiting wika ni Dev at inayos ang kanyang salamin. Nakasuot ako ng light pink color dress na hanggang tuhod ko. I super liked it because of the large ribbon style sa both shoulders niya. I paired it with my silver stiletto with butterflies. I feel so enchanted with my outfit for today but I am more excited in meeting Colton my love. “Thanks Dev, bakit suot mo pa rin ‘yang eyeglasses mo? Hindi ba bumili na tayo ng contact lenses? Ayaw mo ba nun?” sunod sunod na tanong ko sa kaibigan pero napakamot lang ito sa kanyang ulo. “Uh, hindi kasi ako sanay Fily, tsaka dito lang naman ang punta ko sa inyo e,” pagdadahilan nito kaya napatango na lang ako. “You know Dev, I have a feeling na magpo-propose si Colton later. What do you think?” kinikilig na tanong ko sa kaibigan pero imbes na masaya siya ay nakatulala ito sa harapan ko. “P-parang ang aga pa naman a-ata Fily? S-sure na ba kayo sa isa’t-isa?” tanong ni Dev sa akin.Hindi ko alam kung tama bang nakita ko ang lungkot sa mata ng aking bestfriend pero ng muli ko itong tinignan ay tila masaya naman ito. “I mean he is planning for our future na. And he also promised na magpo-propose siya kapag graduate na kami. And we are graduating next month right? Isn’t it the best time to ask for my hand?” masayanglitanya ko sa aking kaibigan habang naglalagay ng hand cream sa aking newly manicure nails.Nang hindi sumagot ang aking kaibigan at tapos na rin akong mag-ayos ay tumayo na ako para umalis na sa bahay. Ngunit sasama pala si Dev sa akin kaya tumango ako, isasabay ko na lang din siya dahil along the way lang naman ang bababaan niya.
“Happy 5th Anniversary to us my love! I can’t wait to see you already,” masayang sambit ni Colton sa kabilang linya habang ka-video call ako.Naging tahimik naman ang aking kaibigan sa passenger seat habang kausap ko si Colton sa kabilang linya. Nang tignan ko ito ay nilalaro lang nito ang kanyang mga daliri na animo’y kabado.
“Happiest 5th Anniv Love, parang kailan lang we hate each other,” natatawang saad ko kay Colton. Nakita kong napailing na lang ito. “Be careful in driving love, wag kang makipag paligsahan sa daan okay?” munting paalala ni Colton kaya napangisi na na lang ako. Ito palagi ang paalala niya sa tuwing nag da-drive ako sapagkat mabilis akong ma-bored lalo na kapag hindi siya kasama kaya ang tendency ay nag-o-over take ako. “Noted Conoah, don’t be so nervous,” mapang-asar na wika ko sa kanya. “Just take your time driving love. I have a question for you later, you should personally answer me,” seryosong wika nito.“Can’t I answer right now my love? Bawal ba over the phone na lang?” natatawang kong saad kay Colton pero mukhang napapailing ito sa kabilang linya ng marinig ko ang boses nitong ‘Nah, nah, nah’.
“Oh, nandito pala si Dev kasama ko love say hi ka sa kanya,” magiliw na wika ko at inilapit ng kaunti ang cellphone ko kay Dev kaya napaubo ito sa ginawa ko“Hi,” cold na wika ng boyfriend ko kaya nahihiyang nginitian ko si Dev. “U-uhm hello Colton, kamusta na-” pagtatanong ni Dev kay Colton. “By the way love, wag mo kalimutan yung dinner natin with Mom next week okay?” tanong ni Colton sa ‘kin at hindi pinansin ang sinabi ni Dev. “Of course love, hindi ko ifo-forget yun syempre. Dev asked kung how are you daw,” natatawang saad ko sa kanya at inulit ang tanong ni Dev sa kanya. “You can answer that love, you know I am doing fine. Except kapag inaaway mo ‘ko,” seryosong saad ni Colton. “Don’t say that, hindi kita inaaway no,” nahihiyang wika ko at natawa na lang sa loob ng sasakyan.Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Colton ay biglang nagsalita si Devia sa tabi ko pero parang may nag-iba sa boses ng pananalita niya.
“Naalala mo pa ba yung kwento ko sa sa ’yo tungkol sa batang minahal ko noon Fily?” biglang tanong ni Dev.
KABANATA 149Gender RevealI am very happy that everyone was really into the party, kahit nandito lang naman kami sa bakuran ng aming bahay. Nagmukhang maliit ang munti naming bakuran dahil sa mga kapitbahay, kaibigan at mga kakilala. “My gosh girl, namamalikmata ba ako? Bakit nandito yung Kassius na yun?” iritang saad ni Pam kaya naman mabilis na gumala ang mata ko sa buong bakuran. “H-ha nasaan? K-kasama ba si a-ano—” hindi na natuloy ang sasabihin ko ng simangutan ako nito. It’s been months and wala na talagang paramdam ang tatay ng anak ko. He sends money and groceries almost every week. Lahat yun ay sobra-sobra kahit hindi ko naman hinihingi iyon sa kanya. His brother has been always caring and accompanies me into my monthly check-up kaya naman mas naging close kaming dalawa. May times lang talaga na feel kong may tinatago siya sa akin na hindi niya masabi-sabi. “Siya pa rin talaga ang hinahanap mo no?” seryosong tanong ni Pam na ikinanguso ko lang. Baka kasi gusto niya rin
KABANATA 148His Last GoodbyeIt all ends here, he came here not for us but to close a chapter that should have never opened. The chapter where there is US, and it sinks to me. Alam kong mahirap at masakit pero mas kakainin lang kami ng mga emosyon na iyon kapag patuloy kong ipipilit ang sarili ko. Seeing him now should be good enough. I am thankful enough my memories came back. Ayun na lang siguro ang panghahawakan ko at ipapaalala ko sa anak namin. He might not be with us pero his memories, those funny faces he used to do before, his serious and jealous moments was a treasure me and my future baby can hold onto. “I hope you can find your happiness, Fily. I know I can’t give it to you, masyado na akong maraming ginawa para maging deserving ng pagmamahal mo,” nakayukong wika nito. Alam kong pinipigilan nitong maluha. Ganito siya palagi kapag sobra na yung emosyon na nararamdaman niya. Hindi ko alam kung bakit ngayong sumusuko na ako ay tsaka naman ganito ang reaksiyon niya. “K-kay
KABANATA 147Buong umaga tuloy ay sinisipag akong mag-abang hanggang ala-una ng tanghali. My inner self really wants to see him. I want to see him so badly, kaya sa mumunting pag-asa na iyon ay umasa ako. “Aba! Bakit parang masigla ka ngayon aber?” pang-aasar ni inay na marahan ko lang na inilingan. “Wala lang ‘nay, may hinihintay lang po ako,” nakangiti kong sagot sa kanya. “Sino ba ‘yan at parang ganadong ganado ka naman?” pang-aasar ni inay kaya naman namula ang psingi ko. Ano ba ‘yan para naman akong teenager na nagtatago ng feelings sa crush niya, ito nga at nabuntis pa. TInitigan ako ng maigi ni inay at mukhang nahulaan na nito kung sino ang hinhintay ko. “Matagal ko na ring hindi nakikita ang batang iyon, kung makita ko man ay mabilis ding nawawala sa harapan ko. Parang may tinatakbuhan palagi kapag nakikita ako,” saad ni inay kaya muling nagpintig ang tenga ko. “N-nagpapakita siya rito malapit sa b-bahay ‘nay?” utal na tanong ko sa aking ina. Mukha namang nagulat siya d
KABANATA 145“Fily, ayos ka na ba talaga? Pwede pa naman atang mag-stay tayo dito sa hospital diba Papa Craise?” pagpapa-cute ni Maximus habang naka-lipbite na nakatingin kay Craise. Kita ko naman kung paano umikot ang mata ni Craise at sumimangot sa bakla kong kaibigan. Sa loob ng halos tatlong linggo kong pamamalagi rito sa hospital ay ang mga magulang at kaibigan ko ang nagbabantay sa akin. Mahina namang nagtawanan sina Amy at Pam sa aking tagiliran ng itulak ni Craise si Max dahil bigla na lang lumingkis na parang linta sa lalaki. “Ano ba Maximus? Maghunos dili ka nga!” nakasimagot na wika ni Craise at maarteng pinunasan ang braso niyang nilingkisan ng kaibigan kong walang pakialam. “Okay na ako Max, kung gusto mo ay magpa-admit ka rito para naman makasama mo ng matagal si Craise,” pang-aasar ko na nag-bigay naman ideya sa kaibigan ko. “P-parang nahihilo ako be, padala nga ako sa emergency room.” Maarte pang humawak sa ulo niya ang bakla at parang matutumba sa kinatatayuan ka
KABANATA 145“Fily, ayos ka na ba talaga? Pwede pa naman atang mag-stay tayo dito sa hospital diba Papa Craise?” pagpapa-cute ni Maximus habang naka-lipbite na nakatingin kay Craise. Kita ko naman kung paano umikot ang mata ni Craise at sumimangot sa bakla kong kaibigan. Sa loob ng halos tatlong linggo kong pamamalagi rito sa hospital ay ang mga magulang at kaibigan ko ang nagbabantay sa akin. Mahina namang nagtawanan sina Amy at Pam sa aking tagiliran ng itulak ni Craise si Max dahil bigla na lang lumingkis na parang linta sa lalaki. “Ano ba Maximus? Maghunos dili ka nga!” nakasimagot na wika ni Craise at maarteng pinunasan ang braso niyang nilingkisan ng kaibigan kong walang pakialam. “Okay na ako Max, kung gusto mo ay magpa-admit ka rito para naman makasama mo ng matagal si Craise,” pang-aasar ko na nag-bigay naman ideya sa kaibigan ko. “P-parang nahihilo ako be, padala nga ako sa emergency room.” Maarte pang humawak sa ulo niya ang bakla at parang matutumba sa kinatatayuan ka
KABANATA 144Nagsimula ng posasan ang mga tauhan ni Mr. Villagonzalo. Unti-unti ay nakahinga ako ng malalim dahil sa wakas ay tapos na rin ang gabing ito. I smiled at Colton for the very first time. I couldn’t even see everybody kasi masyado akong naka-focus sa lalaki. Nanghihinang napaupo rin ako sa sahig ng kuhanin ng mga pulis ang mga tauhan ng matanda. “W-we can finally go home anak,” bulong ko at hinawakan ang aking tiyan pero nanlaki na lamang ang aking mga mata ng makita ang dugong nakabakat sa aking pantalon. “C-colton!” mahinang sigaw ko na sapat lang para marinig ng lalaki. Inilagay ko ang magkabilang kamay para hawakan ang tiyan ko nagbabaka-sakaling makatulong iyon. Pero sa isip ko ay gusto ko na lang na agaran kaming madala sa hospital at mailigtas ang anak ko. “Ambulansya!” Hindi ko na alam kung sinong sumigaw nun dahil unti-unti na namang nanlalabo ang mga mata ko.“Fuck! Your p-pregnant l-love,” namamaos na bulong ni Colton. Napatingin ako sa kanya, kahit hindi ko
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen