KABANATA 149
Gender Reveal
I am very happy that everyone was really into the party, kahit nandito lang naman kami sa bakuran ng aming bahay. Nagmukhang maliit ang munti naming bakuran dahil sa mga kapitbahay, kaibigan at mga kakilala.
“My gosh girl, namamalikmata ba ako? Bakit nandito yung Kassius na yun?” iritang saad ni Pam kaya naman mabilis na gumala ang mata ko sa buong bakuran.
“H-ha nasaan? K-kasama ba si a-ano—” hindi na natuloy ang sasabihin ko ng simangutan ako nito.
It’s been months and wala na talagang paramdam ang tatay ng anak ko. He sends money and groceries almost every week. Lahat yun ay sobra-sobra kahit hindi ko naman hinihingi iyon sa kanya.
His brother has been always caring and accompanies me into my monthly check-up kaya naman mas naging close kaming dalawa. May times lang talaga na feel kong may tinatago siya sa akin na hindi niya masabi-sabi.
“Siya pa rin talaga ang hinahanap mo no?” seryosong tanong ni Pam na ikinanguso ko lang.
Baka kasi gusto niya rin