SHOCK IS not enough to describe how I feel right now. Hindi ko alam kung matutuwa, magtatalon o magsisigaw ako. Seeing Cloud entering the house after almost a month is such a great feeling. Sa wakas umuwi na rin siya, hindi niya alam kung gaano ko siya na miss.
I was hesitant kung lalapitan ko siya dahil hindi ko naman alam kung paano ko siya e-aaproach knowing na ang huli naming pagkikita a week ago ay isang nakakapangilabot na eksena.
"I a-ahmm C-cloud" I went to him pero natigilan ako ng basta niya lang ako lagpasan at dumiretso sa kwarto.
He doesn’t even throw a glance at me. Ang bakas ng kasiyahan sa mukha ko ay unti unting napalitan ng lungkot.
Ininit ko ang mga pagkain na kanina ay niluto ko at maya-maya ay lumabas si Cloud mula sa kwarto at pumunta sa kusina. He look at the table where I prepared the food—adobong manok and fried porkchop. I hurriedly grab the bowl of rice at akmang lalagyan ang plato niya pero iniwas