Hindi naman nakaidlip ng matagal si Kaye, pagdilat niya ay muling napabalikwas ito at agad na bumaba para alamin kung nakauwi na ang biyenan.
Nasa dulo na ng baitang si Kaye ng masulyapan niya ang lamesa sa dinning area at kitang kita niyang naroon pa rin ang ulam na hipon at hindi pa nagagalaw. Isa lamang ang kahulugan niyon, hindi pa nakakauwi ang kanyang biyenan.
Tumingala si Kaye sa mga silid sa itaas sat sarado naman ang silid ng matanda. Hindi malaman ni Kaye kung naroon na ba ang matanda at sinadyang inabin ang luto niya at ipahiwatig sa kanya na hinid nito tinatanggap ang suhol niya.
"Pero iyon ang kondisyun niya? bakit niya iisnabin?" bulong ni Kaye.
Humugot na lamang ng malalim na hingina si Kaye at muling naging positibo. Itinanim sa isip na maaaring wala pa ang matanda.At hindi pa naman natatapos ang araw ngayon na taning niya. Bagamat napapansin ni Kaye na tila may kakaiba ngayun dahil halos madilim na sa labas ay wala pa ang matanda.
Pagbaba ni kaye sa sala ay wala siy