Chapter 90
Hindi na umalis ang batang si X sa tabi ko. He's name is Xarion, pamangkin siya ni Kristoff sa kanyang mother side.
"X, bakit ba hindi ka na umalis sa tabi ng Tita Daciana mo? " Natatawang sabi ni Kris sa bata. Magkakasama kami ngayon sa table at kasama rin namin si Kane. Katabi niya si Kristoff ngayon.
"She's my girlfriend, Tito." Proud na sabi ni X, apat na taon na ito. Wala raw ang parents nito kaya ang Tiyahin ni Kris ang nag aalaga sa bata.
"Baby Xarion, you're too young to have a girlfriend. Paunahin na muna natin iyong mga malalaki na, baka tumandang binata. " Pabulong na sabi pa ni Mariz sa bata at saka nakangising tumingin sa akin at pagkatapos ay kay Kane.
" Stop it, Marz. " Banta ko sa kanya.
"Lagi ka na lang galit, Daciana. Epekto ba iyan ng patandang dalaga?" Mas lalo pa niya akong inasar.
" Talaga ba, Marz? " Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya naman natigilan siya.
" Oopsie, tatahimik na nga po." Kunwaring izinipper ni Mariz ang bibig niya. Tuwang tuwa na