LUMIPAS ang dalawang araw at pinayagan na ng Doctor na ma-discharge si Katherine. Si Lian dapat ang susundo sa kanya pero sa hindi malaman na dahilan ay si Luke ang dumating. Ito na rin ang nagligpit ng mga gamit at naglagay ng damit sa bag. Naproseso na rin nito ang discharged papers kaya wala ng poproblemahin si Katherine.
"Tara na?" ani Luke sabay kuha sa bag.
Tumango naman si Katherine saka sila magkasabay na naglakad palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Cain na naka-wheelchair pa, tulak-tulak ni Joey.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Cain sa dating asawa pero na kay Luke ang tingin.
"Na-discharged na 'ko, anong ginagawa niyo rito? Pinayagan ka ng lumabas?"
Hindi sumagot si Cain pero umiling naman si Joey kaya napagtanto ni Katherine na tumakas ang mga ito.
"Bumalik na kayo bago pa kayo mapansin," aniya.
Mataman naman tumingin si Cain kay Luke. "Iwan mo muna kami ni Katherine at may kailangan kaming pag-usapan."
"Hindi ako aalis," matapang na sagot ni Luke.
"Joey, kal